Kabanata 9 ✓

1649 Words
Kabanata 9: Fight Pavian’s POV NAKATINGIN lang siya sa bawat galaw ni Mierpey at paikot-ikot ito. Naka-alerto naman siya kung sakaling susugod ito. Biglang nagpaulan ito ng mga suntok na agad naman niyang inilagan. Nakarinig siya ng mga singhap pero wala siyang pakialam dahil ang kaniyang atensyon ay nasa kalaban niya ngayon na gusto niyang turuan ng leksyon. “Gago! Lumaban ka’t huwag kang duwag dahil sisiguraduhin kong paluluhurin kita habang sumusuka ng dugo sa harap nila!” asik nito habang nagpapaulan ng mga suntok na iniilagan niya pero nang nakakita siya ng butas mula sa opensa nito’y dumepensa siya at malakas niyang sinikmuraan niya ito na ikinatigil nito. Napasapo ito ro’n at umubo nang umubo kaya’t sinipa niya ito kaya’t tumalsik ito sa kabilang gilid na ikinatumba nito habang umiigik sa sakit. “Ayaw ko sa lahat ay ang nagyayabang pero wala naman pa lang binatbat,” aniya na ikinainis nito. Natigil ang lahat nang humalakhak si Boss at pumalakpak. “Sabi ko na nga ba’t hindi ako nagkamali. Magaling! Pinahanga mo ‘ko, Pavian.” Puring-puri siya ni Boss habang ang mga kalalakihan sa kaniyang paligid ay manghang nakatingin sa kaniya.  ‘Masyado bang marami ang nayabangan ni Mierpey? Mabuti na lang at dumating ako rito dahil ipinatikim ko sa kaniya ang pagkatalo niya dahil sa kayabangan.’ Muli siyang bumaling kay Mierpey na nakaupo na ngayon habang sapu-sapo ang tiyan at bakas ang galit sa itsura nito. Gusto niya lang na bigyan ito ng leksyon lalo na’t napakahambog. “Ano kulang pa? Gusto mo pa bang dagdagan ko ang sakit na nararamdaman mo?” tanong niya na ikinaismid naman nito. “Huwag kang magdiwang agad. Sa susunod ay sisiguraduhin kong babasagin ko ang pagmumukha mong gago ka,” asik nito na nginisihan naman niya. “Sige lang. Hihintayin kong magkatotoo ang panaginip mo.” Tinalikuran niya na ito at umalis sa entablado. Pansin niya ang tingin na ipinupukol sa kaniya ng mga kalalakihan. ‘Ano’ng mayro’n sa ‘kin? Ipinatikim ko lang naman ng sakit ang lalaking ‘yon.’ Tumayo mula sa pagkakaupo si Boss at tuwang-tuwa sa kaniya habang pumapalakpak at bakas din ang ngisi sa labi nito. Inakbayan siya nito at tinapik-tapik ang balikat. “Napakahusay niyang lumaban, hindi ba? Kitang-kita niyo naman na natalo niya ang isa sa mga magaling na socialite killer natin sa Drako. Ipinapakilala ko ang bagong miyembro, siya si Pavian Guillermo, ang susunod na mataas na ranggo bilang socialite killer,” pagpapakilala sa kaniya nito at unti-unting nagsiyukuan ang iba habang ang mga batang miyembro ay nagsipalakpakan. Kakaibang galak ang namutawi sa kaniyang dibdib. Minsan lang naman na may pumuri sa kaniyang kakayahan at hindi niya inakalang isa siya sa napuri ng mismong lider ng Drako. Nakarinig sila nang malakas na lagabog at nakita nilang umalis na pala si Mierpey. “Salamat po sa papuri, Boss. Pero gusto ko pa rin pong matuto mula sa inyo. Alam ko pong hindi pa po gano’n kahasa ang pakikipaglaban ko po lalo na’t sandaling panahon lang po ‘ko natutukang turan ni Onyx pero malaki na rin po ang pasasalamat ko na ibinahagi niya po sa ‘kin ang mga ‘yon,” aniya na ikinatango naman nito habang hindi pa rin naalis ang ngisi sa labi nito. “Alam kong mas magiging mahusay kang socialite killer oras na turuan kita. Hindi naman sa pagmamayabang pero ako ang nagturo kay Onyx kung para maging magaling sa pakikipaglaban. Isa rin siya sa mga Top Socialite Killer ng Drako noon at ang ibang kasabayan niya’y namatay o hindi kaya’y naalis na rito para mamuhay nang tahimik kasama ang kani-kanilang mga pamilya.” May natuklasan na naman siyang bago at hindi na rin siya makapaghintay na maturuan nito sa pakikipaglaban lalo na’t may gusto rin naman siyang mapatunayan at ‘yon ang hindi magpapa-agrabiyado sa hambog na tao. Hindi naman niya basta-bastang inilalabas ang kaniyang kakayahan. Kapag oras lang talaga na nagalit siya at may ginawang mas magandang daanin sa pisikal na paraan do’n lamang niya inilalabas ‘yon. “Maraming salamat po sa tiwala, Boss.” Tumango-tango ito at lumabas na silang dalawa mula sa silid.  “Tutulungan ka naming makapaghiganti sa pulis na gusto mong patumbahin basta’t ang loyalidad mo’y sa Drako lang,” usal nito. “Opo, Boss.”  “Sige, puwede ka munang magpahinga rito at bukas na natin simulan ang plano. Sinabi mo rin kasi sa ‘kin na may nobya ka pang babalikan.”  Napakagat naman siya sa kaniyang labi nang naalala niya ang kaniyang nobyang si Nerissa. Sinabihan din kasi niya ito na magkakaroon na siya nang oras para rito pagkatapos ng kaniyang misyon. Gusto rin naman niyang makabawi rito at alam din niyang nagtatampo na ito sa kaniya. “Maraming salamat po ulit.” Natawa na lang ito dahil paulit-ulit na lang siyang nagpapasalamat dito. Wala siyang pakialam kung matuliling ang mga tainga nito basta’t magpapasalamat pa rin siya sa oportunidad at tiwala na ibinigay nito na hinding-hindi niya sasayangin. KINAGABIHAN, hindi niya inaasahan na may darating na panauhin sa silid na kaniyang inookupa. Katatapos lang niya pating kumain dahil may nagdala ng kaniyang pagkain at napakasarap ‘non.  “Puwede ba ‘kong pumasok?” tanong ni Chantal, ang anak ni Boss na nakasuot ng bestidang kulay kahel na aabot lang sa ibabaw ng tuhod at ang tabas ay medyo sexy. Nakakahiya naman kasi kung ipagtabuyan niya ito lalo na’t anak siya ng lider ng Drako. Tumango na lang siya at medyo nilakihan ang pagkakabukas ng pintuan. Pumasok naman ito at panay ang gala ng mga mata nito sa silid na kaniyang inookupa hanggang sa naupo na ito sa kaniyang magiging kama at dumekwatro kaya’t nahantad ang mapuputi nitong mga hita. “I heard that you won against Mierpey? Hindi basta-bastang natatalo ang lalaking ‘yon at talagang napahanga mo ‘ko.” Napakamot naman siya sa kaniyang ulo. Mukhang marami itong galamay at agad na nalaman ang balitang ‘yon. Halata rin ang pagiging sosyalera nito kaparehas ni Nerissa ngunit wala naman siyang alam sa babaeng kaharap niya. “Ahm. . . Hinamon niya lang naman po ‘ko kaya’t lumaban ako. Hindi ko rin naman po gusto ang pagsasalita niya na halatang nagmamaliit ng tao,” aniya na ikinatawa naman nito. “Oh! Huwag mo na ‘kong i-po dahil bata pa naman ako pero puwedeng gumawa na rin ng bata basta’t ikaw ang magiging ama,” pang-aakit nito at tumayo mula sa pagkakaupo sa kaniyang kama. Nang halos konting pagitan na lang ang namamagitan sa kanilang dalawa ay kitang-kita niya ang sekswal na pagtitig nito sa kaniya. Agad naman siyang lumayo rito. “Puwedeng sa iba na lang? Hindi ko matatanggap ang sinasabi mo lalo na’t may nobya ako at mahal na mahal ko siya,” pagtatanggi niya na ikinataas ng kilay nito. “May nobya ka?” tanong nito at tumango naman siya. Mas lalo naman nitong inilapit ang sarili sa kaniya na medyo ikinailang niya. “Huwag kang pasisiguro na siya na lang ang babaeng para sa ‘yo lalo na’t papasok ka sa Drako. Alam niya rin ba’ng papasok ka sa Drako? Dapat kumuha ka ng babaeng kaya kang sabayan at kasama mo lagi. Baka magulat ka na lang na niloloko ka pala niya.” Umiling naman siya rito. “Hindi magagawa ng nobya ko ‘yon. Mahal na mahal namin ang isa’t-isa at alam kong oras na sabihin ko sa kaniya ang trabaho ko’y matatanggap niya ‘ko. Pakiusap, tigilan mo na ‘ko at humanap ka na lang ng ibang lalaking walang nobya, Chantal.” Napangisi naman ito. “Sa tingin mo ba’y mapapasunod mo ‘ko sa inuutos mo?” Napakunot naman ang kaniyang noo dahil sa sinabi nito. “Anong sinasabi moー” Ni-hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang inambahan siya ng suntok na agad naman niyang napigilan pero sinipa siya binti na ikinawalang balanse niya. Natawa naman ito pero binawian niya at dinamba na ikinatumba nilang dalawa. “f**k me, Pavian. Huwag kang mag-alala, walang makakaalam sa gagawin natin. Puwede tayong maging f*****g buddies. Oras na hindi mo ‘ko matalo’y hindi ako titigil sa pangungulit sa ‘yo.” Napatitig siya rito habang nag-igting ang kaniyang panga sa inis.  ‘Ano ba’ng problema ng babaeng ito? Hindi ba siya makaintidi na hindi ako papatol sa pang-aakit niya dahil may nobya na ‘ko? Bakit ba ‘ko ang kinukulit niya? Marami namang lalaki rito sa Drako at ako pa talaga ang puntirya.’ “Hindi rin ako nagpapadikta nang basta-basta. Hindi kita gusto at kahit kailan ay hindi ako magkakagusto sa kagaya mong babae. Ibang lalaki na lang paglaanan mo ng oras dahil hindi mo ‘ko madadala sa mga galawan mo,” seryoso niyang turan ngunit parang hindi naman ito natakot. “Hmm? Talaga? Hindi ka magkakagusto sa ‘kin at matutukso? Sige nga, halikan mo ‘ko.” Hindi naman niya sinunod ‘yon kaya’t ngumisi ito. “Duwag ka palaー”  “Hindi ako duwag at ayaw kong sundin ang mga ipinagsasabi mo. Marunong akong sumunod kapag alam kong dapat sundin.” Napataas ang kilay nito at napasinghap siya nang dakmain nito ang kaniyang gitnang bahaging natatakpan lamang ng pajama na ipinahiram sa kaniya. Ni-hindi niya inaasahan ang sumunod nitong ginawa. Itinulak siya nito at ipinagpalit ang kanilang mga pwesto at ngayon nasa ibabaw niya na ito habang siya nama’y iniinda ang gitnang bahagi niya. “Kapag gusto ko, nasusunod agad. No one dares to resist me. I want you, Pavian. Aagawin kita sa peste mong nobya dahil mas magaling ako kaysa sa kaniya,” mapang-akit nitong turan at hinalikan siya sa labi.  “Ang kapal din talaga ng mukha mong gago ka,” asik ng isang tinig kaya’t naitulak niya si Chantal sa kaniyang ibabaw na ngingiti-ngiti. Nakita niya ang masamang tingin na ipinupukol sa kaniya ni Mierpey. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD