Kabanata 43: Unwind Sharon’s POV AYAW niyang nakikita ang kaniyang Lola Lusing na medyo wala sa tamang tempo kaya't naisipan niyang mamasyal muna sila para naman makasagap din sila ng sariwang hangin. “Lola, mamasyal muna po kaya tayo habang hindi pa po umuuwi sina Madrid at Pancho?” suhestiyon niya habang nagliligpit ng pinagkainan nila. Napatingin naman sa kaniya ito habang umiinom ng Buko Juice. “Huh? Saan naman tayo pupunta?” tanong nito sa kaniya. “Kung saan niyo po gusto,” sagot niya na ikinanguso naman nito at alam niyang nag-iisip ito. “Wow! Mamasyal kayo, Ate Sha? Puwede ba ‘kong sumama?” singit naman ni Estella. Tumango naman siya habang nakangiti kay Estella na nagpupunas ng mesa. “Oo naman, para naman malibang-libang tayo lalo na’t maaga pa naman.” Ngunit naputol ang

