Kabanata 57: Gift Pavian’s POV DUMATING ang araw na pinaghahandaan ng Occisor. It's their fifth year anniversary. Lahat ng mga staffs pati na rin mga investors ay darating lalong-lalo na rin ang kaniyang greatest mentor. “Congratulations, Sweetie! I’m so excited for your event tonight, and for sure it will be successful as always,” pagbati sa kaniya ni Chantal na nakasuot ng lingerie nito at pinatakan ng halik ang kaniyang labi. “Thank you sa pagsuporta ninyong dalawa ng anak nating si Avia. Masaya ‘ko na mas gumaganda ang takbo ng negosyo natin,” aniya. Naluha naman ito at niyakap siya nang mahigpit. “Nandito lang kaming dalawa ng anak natin sa likod mo. We love you.” “Gusto ko tuloy dagdagan ang anak natin. Avia is now a big girl, and I think we should give her a sibling. Wala p

