Kabanata 56: Current Pavian’s POV AFTER FIVE YEARS, he couldn’t believe that he had his own family with Chantal. No’ng una’y hindi siya makapaniwala at tila naninibago pa rin siya pero unti-unting ipinoproseso ng kaniyang isipan na mayro’n na siyang sariling pamilya. Kasama niya si Chantal nang gumising siya sa hospital at sinabi niyang naaksidente raw siya habang nag-ho-honeymoon silang dalawa. Pinaniwalaan niya ito dahil wala talaga siyang alam. “Sweetie, how’s work?” malambing na tanong ni Chantal ang nagpabalik sa kaniya sa reyalidad at saka pinatakan siya ng halik sa labi. “It’s good. Kumusta kayong dalawa rito ni Avia?” Ni-hindi pa ito nakakasagot nang mabilis na tumakbo habang bumubungisngis ang kanilang anak na may hawak-hawak pang manika. “Daddy!” sigaw nito at agad naman n

