KUNG MAYROON mang isang uri ng pananahimik ang hindi ko gustong maranasan sa buong buhay ko, ‘yon ay ang awkwardness na mararanasan ko kapag may taong nag-confess ng feelings niya para sa akin at hindi ko alam kung paano ko siya ire-reject. Alam ko naman na madaldal ako at hindi ako darating sa point na makakaya ko ang manahimik kahit limang segundo lang dahil may pagka-palengkera talaga ang bunganga ko, pero hindi ko inaasahan na ang dalawang sentence na ‘yon mula kay Lean ang makakapagpatahimik sa buong pagkatao ko. All along, akala ko ay hindi ko ‘yon mararanasan. Like, hindi naman ako sikat sa University noong college pa ako. Kung kilala man ako ng iilan sa mga kaklase ko, ‘yon ay dahil sa madalas nila akong makitang mag-cramming o kaya naman ay mabaliw habang naghahabol ng requirem

