THAT'S IT. Inamin ko na kaagad sa kan’ya na hindi ko kayang ibalik kung ano man ang nararamdaman niya para sa akin ngayon. Kung mayroon man akong natutuhan sa naging relasyon namin ni Mark noon, sa lahat ng mga nangyari at maging sa mga nangyayari hanggang ngayon, ‘yon ay ang matuto kang magsalita para sa sarili mo. Matutong ipagtanggol ang sarili dahil kung hindi ikaw, sino ang magtatanggol sa’yo? Wala, dahil lahat sila ay gusto ka lang hilahin pababa kagaya nila. Never akong nagsalita para sa sarili ko. Hindi ko sinabi kay May at Dale ang totoong nangyari sa amin ni Mark. Hinayaan ko ang sarili ko na masira rito sa Nasugbu bago ako umalis papuntang States. Hindi ko rin ikinuwento sa kanila na namatay si papa sa mismong araw na naghiwalay kami ni Mark. Akala ko ay natuto na ako noong n

