“ANG AWKWARD N'YO NAMANG DALAWA. Para kayong mga gago.” Ito ang wika ni Dale na umalingawngaw sa katahimikan ng buong paligid, pero kahit na ganoon na minumura na kami ni Dale ay wala pa ring nagsalita sa amin ni isa. Palibhasa itong mokong na ‘to ay matagal nang may alam kaya wala lang sa kan’ya ang mga narinig niya ngayon lang, eh! Information overload na kaya ang lahat para sa utak ko ngayon! Kung hindi lang totoong buhay ‘tong nangyayari sa amin ay iisipin ko na pina-prank lang ako sa wow mali o kaya naman ay baka nasa loob ako ng isang teleserye, eh. ‘Yong tipo na habang nanonood ako ng teleserye sa TV ay bigla akong napasok sa mundo nila, kasi ganoon ang takbo ng buhay ko ngayon, eh! Parang drama lang na walang katapusan ang revelation. May ire-reveal pa kaya sila riyan? Baka may

