Kinaumagahan ay agad akong nag-ayos sa sarili ko para linisin ang maliit naming bahay.
Ayokong magmokmok o magtago sa isang silid dito at tuluyang malunod sa lungkot.
Kailangan kong bumangon kahit pa.unti-unti lang hanggang sa makayanan ko nang tanggapin ang nangyari.
Alam kong hindi ganun kadali pero pipilitin kong lumimot sa kanya kahit pa unti-unti lang ay gagawin ko pa rin.
Habang naglilinis ako dito sa silid ay may narinig akong may bisita sila mama sa labas ng bahay namin.
At dahil sa pinapatay ako ng curious kong utak ay sumilip ako sa may bintana.
May kausap si Kuya, sa hitsura pa lang ng babae ay mukhang magka edad lang sila Kuya, makinis at maputi ang balat ng babae, mas mataas ang height ni Kuya kumpara sa babaeng kausap niya. maganda talaga siya sa kahit aning angulo. hindi naman matangos ang ilong ay katamtaman lang ang ilong niya na bagay sa kanya.
Naka uniform ang babae at hapit yun sa katawan niya, aminin man o hindi maganda talaga ang katawan ng babaeng yon.
napabaling ako ng tingin sa lalaking kausap ni mama, baka isa rin yan sa bisita nila mama o kaya kasama ng babae. magkasing tangkad sila ni Kuya nong lalaki at naka cap kaya hindi ko masiyadong nakita ang mukha niya at nabalutan ng itim na jacket ang pang-itaas niya , naka itim na slacks naman ang pang-ibaba niya at paris sa black shoes niya na parang negosiyante ang dating na panay naman ang ngiti ng lalaki sa harapan ni mama at tumingin din nina Kuya at sa kausap ni Kuya.
Hindi ko mahulaan kung anong tungkol ang pinag-uusapan nila sa labas tapos lumapit naman si papa para bigyan isa-isa ang mga bisitang kausap nila mama ng upuan.
Sino sila sa buhay ni Kuya ? at bakit tuwang tuwa sila mama ?
Isasara ko na sana ang kurtina pero ...
" girlfriend po ako ni Kaironilx "
(Author's pov :
pronunciation: kaironix )
Napabalik ako ng tingin sa labas .
so yung kausap ni Kuya kanina ay nobiya niya ?
Nakita ko kung pano magmano at ngumiti ang babae sa harapan nila mama habang ang Kuya kai ko naman ay hindi mawala-wala ang ngiti sa mukha niya.
Naiintindihan ko naman na kaya ayaw nila mama na magkaroon ako ng nobiyo ay dahil para maprotektahan nila ako bilang isang babae na ang gusto nilang ipahiwatig ay saka ko nalang ibigay ang sarili ko sa taong magiging asawa ko at ang gusto ni mama ay matulad ako sa kanya at kay lola na bago sila nakuha ng kanilang naging asawa ay pinakasalan muna sila.
tanggap ko din naman ang sitwasiyon ko.
Nagtaka akong tumingin kung sino naman ang lalaking yun ?
Mukha namang mabait ang nasabing girlfriend ni Kuya kaya okay lang sakin at boto ako kung mapatunayan kong mabait nga siya.
" ah kasamahan po pala ako sa trabaho ni Kai at ni Sherryn"
Sabi nong lalaki na naka cap.
so magkatrabaho silang tatlo ?
saka ko nalang naaninag ang mukha ng lalaking yon matapos niyang ...
" Markozwit Diaz po "
(Author's pov :
pronunciation: Markozit )
sabay alis ng sumbrero niya.
halos mamilog ang mga mata ko sa ngiti niya. hindi naman siya ganun ka-gwapo pero bakit sa paningin ko ay ang gwapo niya ? hindi kaya ..? no.. no no no noo waay !
iling-iling akong tumingin sa may bintana habang pinagmamasdan sila sa labas.
naririnig ko ang ilang pinag uusapan nila sa labas pero hindi lahat ay narinig ko.
Nagmano ang lalaki kay mama at papa. siguro kung maaga kong naipakilala si Nathaniel ay baka tinanggap siya nila mama kaso ayaw nila mama na magkaroon ako ng nobiyo.
naiintindihan ko kung bakit sila ganun kay Nathan dahil ayaw nilang mabuntis ako ng maaga.
Narinig kong may kumakatok sa may pintoan ng kusina namin kaya tiningnan ko ito.
shit. bakit kinakabahan ako ? para saan tong kabang to?
Nakita ko ang nasabing bisita ni Kuya.
si Markozwit.
Tiningnan niya ako sa mata pababa sa soot ko.
kaya tinignan ko ang sarili ko.
naka loose shirt ako at loose short na abot hanggang tuhod. ano naman ang mali sa soot ko ?
ibinalik ko ang tingin ko kay Marko at tinignan ko kung anong tinignan niya sa soot ko pero...
NAKATINGIN SIYA SA DIBDIB KO at worst ay wala akong soot na BRA. F*ck !
bumakat pa naman ang bundog ko sa damit ko.
Kaya dali dali akong tumalikod sa kanya.
" ah..i..i'm sorry ". Sabi niya
Nakalimutan kong mag-bra dahil sa ayokong mag bra pag nasa loob ako ng bahay namin at kapag nandiyan naman sila papa ay saka ako mag susuot.
Para akong statwa dito sa kinatatayoan ko ngayong nasa likuran ko naman ang lalaki. NAKAKAHIYA !
" Look.. i didn't mean it, i'm sor---"
Agad kong isinara ang pinto. Napahawak ako sa dibdib ko, malamang ay nakita niya nga ? Fudgebar ! naman oh?!
Narinig kong papasok na sila mama dito sa loob ng bahay namin at baka maabutan nilang pinagsarhan ko si Marko. lagot ako nito.
pumasok agad ako sa kwarto ko at agad-agad nagsuot ng panloob sa pan itaas ko.
Binalikan ko si Marko at salamat na rin dahil hindi siya umalis sa kinatatayuan niya kanina.
Binuksan ko ang pintoan at hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil sa kahihiyang nangyari.
"pa-pasok ka.. ". ako
dapat din ba akong magkuya sa kanya dahil magkasing edad lang sila ni Kuya Kai?
Ngumiti siya sakin at habang ako'y yukong-yuko para lang iwasan ang titig niya.
" Thank you, ah-- about earlier ...."
"ka-kalimutan mo nalang yun ...kasalanan ko din naman"
"no hindi mo yun kasalanan... ako yung mali .. I'm sorry"
at he smiled.
Ngumiti ako ng pilit sa kanya.
reminder lang self , rule no. 1 : Huwag kang papatangay sa mga lalaking mapagkunwaring katulad niya..nilang lahat.
"ah.. feel at home po". ako
aalis na sana ako pero
" drop that po miss parang magka edad lang tayo ah ?"
Para namang nag bell ang tenga ko. ano daw ?
"ah..*ahem* 16 palang po ako k-k-kuy----"
"I'm 19". siya at ngumiti na naman siya sakin
ah.okay?
hahakbang na sana ulit ako pero dumating sila mama.
" iho Marko? anong gusto mo? para makapag snacks naman kayo ?".si mama
sumunod naman si papa kay Kuya sa sala dahil paniguradong may kukuning pang snacks sa bisita.
" ah wala po tita, busog pa po ako".si Marko
" ikaw Sherryn ?". si mama
I felt strange parang may taong nakatingin sakin ?!
Nakatingin lang kasi ako kay ate Sherryn at kay Kuya dahil sa binabasa ko pa ang kilos ni ate Sherryn o baka kasi magka edad lang kami, nakakahiyang mag ate sa kanya kung ganun.
kaya tinignan ko kung sino ang dalawang pares ng matang yun.
at nang tignan ko ay kay Marko ang mga matang yun. Nahuli ko siyang titig na titig sakin kanina bago siya umiwas ng tingin sakin.
Para saan maman yun ? hindi kaya... pinagnanasaan ako ng lalaking yun ? aba aba ?! hindi tama to. may manyak na kaibigan si Kuya.
Kung si Nathan nga ay hindi niya ko tinitignan sa dibdib ko tapos itong lalaking to ? maka tingin akala mo nakanood ng nasa sinehan. aba?!
Galit na expression ang iginanti ko sa kanya. Tinignan ko siyang may galit sa mga mata habang kay mama naman ang attention niya. alam kong alam niya ang galit ko ngayon.
Dahil sa ayokong makita ang manyak na yon ay lumabas ako kaso nakaharang siya sa may pinto.
Seriously?
pero binigyan niya ako ng daanan para makalabas ng pinto.
Dire-diretso lang ang lakad ko palabas pero hindi ko malimutan ang titig at ngiting yun..kay Marko habang nilagpasan ko siya palabas sa may pintoan.
Damn that Jerk !
" saan ka na naman ?".
si Jeremiah Damian, ang kapitbahay namin. maka na naman ? parang alam niyang lahat na kung saan ako galing.
" don sa may ilalim ng narra, magpapahangin"
Magpapahangin ako sa Puno ng Narra para magpalamig ng ulo. baka kung ano pa ang magawa ko sa lalaking yun. kumukulo ang dugo ko sa mga manyak na tao.
Itinago ko nalang ang galit sa mukha ko't baka madamay pa si Jeremiah.
Sumabay sa paglalakad ko si Jeremiah papunta sa ilalim ng punong narra.
" hoy .. baka ano pa ang isipin nila mama at magkasama tayo! hoy mama miya don kana at baka isipin pa nilang nobiyo kita,kita mo naman kung pano pinagalitan yung dati kong nobiyo diba ? don kana mama miya"
Taboy ko sa kanya. hindi ko alam kung bakit ko siya naging kaibigan. Hindi naman ako ganun kadikit at ka-friendly sa mga lalaki. ewan ko lang sa lalaking to.
Same height lang kaming dalawa at kung hindi ? ay hindi ko maabut ang buhok ng lalaking to at hindi ko masabunotan ang buhok niya paminsan minsan.
" ayoko nga....mabuti nga yung kaysa sa kaibigan lang".
Hindi ko marinig kung anong binubulong ni Jeremiah sa dulo.
"at tska anong mama miya ? anakan kita eh gusto mo?"
Pinanlakihan ko siya ng mata.
"hoy hoy hoy.. hindi magandang biro yan! isumbong kita kay mama eh?! ano?! ha ?!"
napakamot naman siya sa kanyang buhok at ngumiti ng nakakaloko sa harapan ko.
" bakit ? malalaman ba nila ? ha? pwedeng dito nga natin gawin eh ?!"
" at anong gagawin ha?"
mas lalo lang inilapit ni Jeremiah ang mukha niya sa mukha ko at tudo atras naman ang ginawa ko. ayan na naman siya.
kaya tumakbo ako para makaiwas kay Jeremiah
tawa ng tawa si Jeremiah habang pinapanood niya akong papalayo pero natigil lang yon nang
may kung anong bagay ang nakaharang para mapaupo ako sa lupa.
Inangat ko ang tingin ko sa taong nakatayo sa harapan ko.
ang dalawang pares ng mga matang seryosong nakatitig sakin.
si Marko.
" kanina kapa hinahanap ng mama mo kaya hinanap kita. napaka bata mo pa para makipag landian sa kaedad mo".
at tinalikuran niya ko.
naiwan akong nang gigil sa galit.
a-anong sabi niya ? ano ako ? malandi ? aba sumusubra nayang lalaking yan ah?!
"uy nakipaglandian ka daw sakin ?".
si Jeremiah sabay tawa.
" hindi nakakatawa mama miya".
napatigil siya ng tawagin ko siyang mama miya.
"itigil mo na nga yang mama miya mama miya mo! anong gusto mo para matigil ka diyan sa mama miya mo ha? ano? gusto mong makita ang papa junior ko? nasa loob lang siya ng pantalon ko"
"my darling"
lambing niya sa'kin. kaya tumakbo na ako ng mabilis habang tawa siya ng tawa. bw*s*t na lalaking yun ah?!
Pumasok na'ko sa bahay at nadatnan ko sila Marko na paalis na.
Buti naman at ng makaalis na ang kinaiinisan ko.
"ihatid mo sila sa highway max at may gagawin pa ang Kuya mo dahil hindi maihatid ng Kuya mo sila ate Sherryn mo"
aayaw na sana ako pero si mama na yan eh. kaya wala na akong magagawa pa.
"opo, sandali lang po ate, kuya magbibihis lang ako saglit"
ngumiti ako ng sabihin ko ang kuya kay Marko. nalukot naman ang mukha niya habang tinitignan ang paligid.
" okay sige "
mabait naman pala si ate Sherryn at halos magkasing edad lang sila Kuya.
para na akong tomboy sa soot ko ngayon nakaloose shirt at loose short lang ako tapos itinali ko ng pahaba ang buhok ko sa likod at naglagay ng kaunting pulbo sa mukha,liig at sa likod bago lagyan ng towel sa likuran ko.
Bumaba na ko at hindi ko aakalaing makakasalubong ko ang titig ni Marko.
nailang ako sa titig niya kaya nagpasiya akong kausapin si ate Sherryn.
"ah..ate sherryn tara na para ma guide ko kaya sa highway at maka uwi kayo"
"sige salamat pero hindi kami uuwi eh, diretso kami sa trabaho iha"
Napatango nalang din ako at naunang lumakad sa kanila.
naramdaman ko ang titig nayun pero isinawalang bahala ko nalang yun.
Nang marating na namin ang highway, agad namang may lumapit na tricycle para may masasakyan sila ate Sherryn.
pero bago sila sumakay ay nagpaalam muna ako sa kanila.
" Salamat po sa pagpunta ate Sherryn at Kuya Marko"
nakita ko ang nakakunot-noo ni Marko na nakatingin sa daan. tsk dapat na ba akong tumawa ?
" naku ! wala yun eh nag-alala lang naman ako sa Kuya mo dahil hindi ko siya makontak buti nalang at alam ni Marko ang bahay niyo , yun pala nasira ang cellphone niya."
ngumiti ako kay ate Sherryn. napaka open niya talaga at wala sa tono ang pagiging plastik.
noon kasi ayokong magkaroon ng nobiya si Kuya kasi pag nangyari yun ay mapipilitan akong pakisamahan ng magiging nobiya ni Kuya at baka awayin ako o kaya gamitin ako para mapalapit kay mama at papa pero mukhang mali ako.
"naku hindi na kami magtatagal at baka malate pa kami, salamat ulit iha ha? pakisabi ng mama mo na maraming salamat"
ngiti lang ang ginanti ko sa kanila pero bago sila umalis ay nahuli ng aking mata kung sinong ginawan ng text ni Marko
ang cell phone number ko.
pero bakit? saan niya yun nakuha ?
Bigla siyang dumungaw sa gilid ng tricycle at binigyan niya ako ng malaking ngiting pang-aasar saka bumalik sa loob ng tricycle.
Ginagalit na talaga ako ng lalaking yan. Humanda siya ! Asa namang mag re-reply ako sa kanya. ASA KA !
Bumalik naman agad ako sa bahay para mag linis ulit ng bahay.
"nakaalis na ba sila ate Sherryn mo max ?" .si mama habang bit-bit ang isang balde ng mani galing sa harden namin.
"opo ma.....may asungot pa kasing sumama"
Humina ang tinig ko sa may dulo para hindi marinig ni mama.
"anong pinagbubulong mo diyan ?" ha ? max?"
"wala po ma".
Pumasok ako sa loob para ipagpatuloy ang naputol kong paglilinis. si Kuya naman ay panay ang pag aayos sa sarili. baka papasok sa trabaho. hindi matiis ang nobiya eh.
" ang gwapo ko talaga kaya baliw na baliw sakin si Sherryn"
Sabi ni Kuya habang nag aayos sa harap ng salamin.
"yuck. baka nga ginayuma mo lang si ate Sherryn Kuya. asa namang mababaliw siya sa katulad mong onggoy"
" hoy pangit ! inggit ka lang dahil may lab layp ako ! kawawa ka naman"
Aba?! porket ayaw nila kay Nathan ay ganyan na siya ?! aba ..
"ew ikaw ? gwapo? tingnan mo nga ulit yang sarili mo?! ganyan ba ang gwapo ha? sos ang layo layo kung ikukumpara dito sa model nitong avon, sobrang layo Kuya"
" bitter ka lang"
hindi ko na pinansin pa si Kuya dahil hahaba na naman ang asaran naming dalawa. ganyan yan eh. ang hangin at feeling gwapo. eh gwapo naman talaga si Kuya. ako lang ang pangit sa pamilya namin.
Ipinagpatuloy ko ang paglilinis ko..
"tao po ? "
hindi ako dapat magkamali sa tinig na yun.
si Jeremiah. tsk..
"Max ? anak ? may bibili sa tindahan". si papa habang bisi sa pagluluto kasama si mama.
" hmm ang sarap ng luto mo mahal".si mama habang tumitikim ng luto ni papa.
ngiting ngiti naman si papa kay mama.
nga pala may sarili kaming sari-sari store dito kahit maliit ay malaking tulong ito sa pamilya ko.
binuksan ko ang maliit na pintoan saming tindahan.
tinignan ko naman si Jeremiah.
malawak ang ngiti niya habang nakatingin sakin.
"ali ? nasa langit na ba ako?". si Jeremiah habang kumakanta kanta pa.
" kayo po ba si San Pedroooo ? hooo woo ohh "
"malayo pa ang pasko manong atsaka wala kaming pera, piso piso lang po ang maibibigay namin sa inyo". ako habang nagpipigil ng tawa
asar naman ang mokong at umasim ang mukha.
" panira ka talaga sa harana ko ano?!"
"harana ba yon? akala ko kasi namamasko?!"
inis naman siyang tumingin sakin
"ano bibili ka ba talaga po manong?"
pigil na pigil ang tawa ko sa harapan ni Jeremiah. nakita ko namang umasim lali ang mukha niya sa huling sinabi ko.
"manong ? mukha ba akong manong ha? darling naman eh"
nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jeremiah. pano nalang kapag narinig nga nila mama sa likuran ko? nako patay ako nito pagnagkataon man.
" hoy anong darling? kapal naman ng muks ano?"
"yan ! yan kasi manong ka ng manong sakin" .siya habang malaki ang ngiti na halos mapunit ang labi niya.
"tsk fine! anong bibilhin niyo po kuya?"
"ayoko niyang tinatawag mokong kuya, ano kita ? kapatid? no way"
"aba.. lokong to ah?! totoo namang dapat kuya ang tawag ko sayo dahil mas matanda ka naman talaga kaysa sakin ah?"
"a-yo-ko ! gusto ko yung tawagan natin ay... my darling".
mas lumawak pa ang ngiti niya matapos sabihin yun sa harapan ko.
pinanlakihan ko siya lalo ng mata dahil sa sinabi niya. aba ?!
" bibili ka ba talaga ? o uuwi ka ng may tama sa pares mong mga mata ? ano ? gusto mo?"
itinaas niya ang dalawang kamay niya para ipakitang suko na siya.
"okay fine, gusto pala ni mama ng apo darling"
aba?!
Lalabas na sana ako ng tindahan para suntukin siya pero
"oy joke lang, eto naman oh?"
kaya hindi na natuloy.
"sos kung hindi lang ako mabait ay baka kanina ko pa kinuha ang mga paninda mo"
sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. nakalimutan kong isara ang maliit na pintoan sa tindahan.
"ano ngang bibilhin mo ?"
"pabili ng isang milo"
kinuha ko ang milo na nakasabit sa may gilid at pinutol gamit ang gunting.
iniabot ko sa kanya pero bigla niyang hinalikan ang kamay ko sabay takbo.
aba't?! babatukan ko na sana yun kaso ang bilis ng takbo.
sisigaw na sana ako dahil hindi siya nagbayad pero nakita kong may otso pesos na inilagay malapit sa kamay ko.
mamaya babatukan ko talaga ang gong-gong na yun.
Isinara at ni-lock ko na ang maliit na pintoan sa tindahan.
bigla nalang tumunug ang cellphone ko.
pero hindi yun naka register sa phone contacts ko.
•••
From +639××××××× :
Hoy ang lambot ng kamay mo. sarap
ikinuyum ko ang kamay ko.
•••
To +639××××× :
HOY ! SAAN MO NAKUHA ANG NUMBER KO? ABA MANYAK KANA NGA ?! STALKER KA PA ! ABA MATINDI KA PO LOLO MIYA
sent
•••
Napatawa ako sa huli kong text. lolo ? hahahaha bagay lang yun sa kanya.
•••
From +639××××××××× :
save mo nga ang number ko. type mo dyan ang 'my darling' tapos save
----
kung lolo ako? lola ka naman so bagay tayo diba my darling ?
•••
Dinelete ko na ang message niya dahil wala namang say-say para patulan pa ang mukong nayon.
Habang nagdedelete ako ng mga messages ni Jeremiah ay may napansin akong text kanina pa pala tu hindi ko lang nakita kanina dahil naiinis ako kay Jeremiah.
•••
From +639××××××08 :
Hi
•••
sino na naman tu? baka yung manyak na Marko ? aba.. aba..
•••
From +63×××××08 :
ako to si Marko
----
unfair naman kung hindi ko makilala ang pangalan mo diba?!
•••
To +63×××××08 :
ikaw ang nagtext at hindi ko na kasalan na wala kang alam sa pangalan ko. bingi kaba ? hindi mo ba narinig ang tawag sakin ni mama kanina ?
sent
•••
From +63×××××08 :
I'm Markozwit Diaz, what's your whole name by the way? ang please save my number para hindi ka tanong ng tanong sakin :)
•••
aba ? ang kapal ?!
To +639×××××08 :
May ang name ko.
sent
••••
From +63×××××08 :
Don't fool me around young lady :) it's max right? so anong whole name mo ?
•••
To +63×××××08 :
Ayoko nga bakit ba ang kulit mo ha?
sent
•••
From +63×××××08 :
ayaw mo talagang sabihin ?
•••
To +63×××××08 :
yah
sent
•••
From +63××××××08 :
sige bibisitahin nalang kita bukas mukha kasing miss na miss muna ako at yun ang sasabihin ko sa mama mo.
Napatigil ako doon sa text niya. nooo way!
Huwag mong sabihing ....
"ma ? bibisita ulit dito si Marko may kailangan daw siyang sasabihin bukas eh"
Ang sabi ni Kuya. kadadating lang niya galing sa trabaho.
Fudgebar !