Chapter Four

1141 Words
Nang makauwi na ako sa bahay. dapat lang na itago ko ang mga matang namumugto dahil paniguradong magtatanong sila kuya. " oh ? nakauwi kana pala ". si kuya habang nagtitimpla ng kape. " Maaaaaa ? nandito na si Maaax ! ". si kuya ulit Mas lalo akong mag-iingat kay kuya dahil mausisa yan pagdating sa ganitong bagay. Linapitan ako ni mama para abutan ng isang basong kape. " oh magkape ka 'nak baka gutom na gutom ka galing skwela ? " Hindi ma, masakit nga ang puso ko ngayon... ma nasasaktan ako sa taong tinatago ko sa inyo. " mamaya na lang ma, may tatapusin pa'ko , di pa naman ako nagugutom " Tinalikuran ko na sila mama. " magsusulat na naman yan ma sa walang kwentang love story niya " Hindi ko nalang pinansin pa si kuya at patuloy sa paglalakad ko't umakyat sa itaas. Mabuti ng ganito para hindi nila 'ko pagtatawan dahil sa nagda-drama ako. >>>>>Text message >>1 message received From Nathan : Huwag mo naman akong talikuran ng ganun lang kadali, hindi ka ba nanghihinayang ? mahal natin ang isa't-isa tapos hahayaan mo lang na ganito kadali matapos ? bigyan mo lang ako ng chance para magbago, pangga ? °°° Binaliwala ko nalang yung text niya, kung ako ang masusunod ? gagawin ko yang sinasabi niya at bibigyan ko siya ng pagkakataong ayusin niya ang relasiyon naming dalawa pero hindi pwede kailangan kong magpaka-selfish sa ngayon, pipiliin ko muna ang sarili ko at ang mga pangarap ko. I'm sorry Nathan ;( Habang pinipigilan ang paghikbi't maingat na huwag makagawa ng ingay at ninanamnam ang sakit ay may familiar akong narinig sa labas ... " Magandang hapon po ? nandiyan po ba si Max ? " Bigla akong natigilan at ang kaba ko'y tila kabayong nag-uunahan. Hindi to maganda. Nandito si Nathan. " ooh nandiyan sa itaas , sino ka ? bakit mo hinahanap ang anak ko ? " Shit. Dali-dali akong nag-ayos sa sarili at siniguradong walang luhang naiwan sa pisngi ko. " b..bo...b..bo-boy...friend a..ako ng a-anak niyo " Pero huli na ng makalabas na'ko, sa nakikita kong reaksiyon ni mama ay galit sa mga mata niya, habang si papa naman ay tahimik lang katulad ni kuya na nakaupong tinignan ang bisita sa labas. Oh God. wrong timing ako ngayon dahil bad mood si mama at dumagdag pa'ko, kung kanina lang ay pinipigilang magalit ni mama dahil sa kakauwi lang nila. Tumingin sa'kin si Nathan na nagsusumamong nakaharap sa'kin ngayon. Naghahalong lungkot at saya sa mga mata niya. Alam kong matagal na siyang nangungulit sa'kin na kung kailan ko siya ipakilala nila mama kaso hindi sa ganito at mas lalong naghahanap ako ng timing sa bagay na'to. Humarap ako kay mama,papa at kuya. I'm in a hot seat right now. Huminga ako ng malalim bago magsalita at inayos ang pang upo. " o..o..o-opo m..m-ma, bo-boyfriend ko nga si Nathan " Sa nangyayari ngayon ay wala ng oras para sa pormal na ipakilala ko pa si Nathan sa pamilya ko. " umupo ka doon iho ". si mama Agad namang kumuha ng mauupuan si Nathan sa itinurong espasyo ni mama. " at ikaw babae ! kumuha ka ng upuan at mag-uusap tayo !" Agad kong sinunud ang sinabi ni mama. Damn it. ayokong ginagalit si mama dahil takot ako sa kanya. Nang maayos na kaming nakaupo at katabi ko si Nathan na ngayo'y hindi rin mapakali katulad ko. " Kailan lang kayo naging mag-jowa ? ". si mama habang nakatingin sa'kin " 1 year and 11 months ma ".ako habang nakayuko. nanginginig na rin ang buong sistema ko ngayon. " alam mo bang hindi ko pinag-boboyfriend ang anak ko iho ? " .si mama habang galit na galit kay Nathan. " o-opo pero mahal ko po ang anak niyo, aalagaan ko po si Max----". si Nathan, alam kong kinakabahan siya ngayong kausap si mama. " ilang taon kana nga pala ? dahil mukhang mas matanda ka sa anak ko iho ! " " tu-tweente te-three p-po " Halatang gulat na gulat sila mama ngayon sa sinabi ni Nathan. " aba ?! 16 pa lang ang anak namin at heto ka ? nobya mo pa ? at anong balak mo ? bubuntisin mo ang anak namin ? tapos iiwan mo sa ere ? aba totoy hindi mo kami madadala sa pag-ibig pag-ibig na yan. " Hiwalay na po kami ma. " saan kayo nagkakilala ng kapatid ko toy ? ".si kuya " s..sa-sa Library t-tol ". Hindi niya nilingun si kuya dahil na rin sa kaba. " anong library ? sa school ba ng kapatid ko ? " Lalo lang akong nanginginig dito dahil sa tanong ni kuya dahil sa tinig nito. " o-oo k-kuya ".ako " tumahimik ka babae dahil hindi ikaw ang kinakausap ko ! " I hate this situation. bakit kasi nagpakita pa siya ? bakit pa niya natuntun ang bahay ko ? tapos na kami but he's here. " anong ginawa mo don sa school ng kapatid ko ? " " ma-may event s-sila k-kaya naimbitahan ako don " " sinong nag-invite sayo don ? " Lalong hindi maganda ang ihip ng hangin dito sa labas. " s...s-si ma'am Jimma, naimbitahan ako don para kumanta " Silence... " Hiwalayan mo ang kapatid ko ! " Too late kuya dahil hinawalayan ko na siya. " Hiwalay na kami ni Max, nandito ako para suyuin siyang bumalik sa'kin " Wrong move Nath. " oh? yun lang pala bakit ka pa nandito ? huwag mo nang suyuin ang kapatid ko dahil hindi namin hahayaang bumalik pa si Max sayo. Anong mapapala niya sayo ? wala diba ? ". si kuya, masakit yun " anong trabaho mo ? " . si papa " nagtatabraho po ako sa manila bilang electrician ".si Nathan " Maliit lang ang kita niyan at hindi mo kayang buhayin ang anak ko, Huwag kanang mangarap pang makakatuluyan mo ang anak ko " .si papa " Hindi mo mabubuhay sa pagmamahal na yan ang anak namin iho ". si mama Yukong-yuko na ngayon si Nathan dahil sa mga sinabi nila mama sa kanya. ako man ay naawa sa kanya. " hindi uso yang pagmamahal na yan iho. maging praktikal ka din para sa magiging asawa mo ! ". " o-opo...a...aalis na po ako, sa-salamat po " Tinalikuran niya kami at diretsong naglakad paalis. Gusto ko siyang habulin pero pinigilan ako ni kuya. " hayaan mo siyang umalis ".si kuya " ma ? sasamahan ko lang siya sa labas hanggang high way para ihatid ".ako habang nakikiusap kay mama. " Hindi ka aalis dito sa bahay at mas lalong hindi mo sasamahan ang lalaking yun. ".si mama " puppy love lang yan, huwag kang maarte babae ".si kuya Magdadabog na sana ako ng tinignan ako ng masama ni kuya. Masiyado silang mata-pobre. >>>Text message To Nathan : Sorry hindi kita masamahan °°° >>1 message received From Nathan : Okay lang , ayaw ng pamilya mo sa'kin at ang baba ng tingin nila sa'kin. kinakabahan ako kanina pero nag-uumapaw parin ang sinabi nila kanina.. gusto kitang bumalik sa'kin pero huwag nalang pala. °°° Mas lalong nag-uunahan ang luha ko sa text niya. dapat hindi na 'ko nag-iinarte ng ganito dahil ginusto ko to eh. dapat lang sa'kin to. Hindi na'ko nag reply pa sa kanya dahil alam kong masasaktan na naman ako sa text niya. Humiga ako at hinayaang dumaloy ang lungkot na nagmula sa'king mga mata. Habang nagdadrama ako sa kuwarto ko ay hindi ko pala napansing gabi na pala. masiyadong malungkot ang puso ko sa mga nangyayari. Kung ako lang sana ang masusunod ay babalikan ko si Nathan at baka nga ay salubungin pa niya 'ko ng yakap pero pinili ko 'to diba ? kaya dapat lang na hindi na'ko mag-iinarte ng katulad nito. Tumingin ako sa may bintana ng kuwarto ko at tiningnan ang mga bituing malayang nag-niningning sa tala. Kailangan kong mamili at dapat lang na piliin ko ang mga pangarap ko at ang pamilya ko sa ngayon. Kailangan ko lang ay piliting kalimutan si Nathan. Narinig kong nagdadabog at malalaking tinig ng mga yapak na papasok sa loob. " Wrong timing pa. Bakit kasi ngayon pa nasira ? " Narinig ko kay kuya sa kabilang kuwarto niya. Nasira? oo sirang sira nga ang puso ko. Nakarinig ako ng yapak ng dalawang pares na mga paa papunta sa kuwarto ko. agad kong inayos ang sarili ko't inalis ang luha sa'king pisngi. paniguradong si mama to. Malalakas na katok ang natanggap ko mula sa pintuan at hindi nga ako nagkamali dahil si mana ang bumungad sa pintoan ng kuwarto ko. Nanginginig na naman akong tumingin kay mama at umupo sa loob ng kuwarto ko. maliit lang ang ispasyo ng kuwarto ko kaya madali akong nakaupo. " matagal mo na palang nobyo ang lalaking yun ?! kung hindi pumunta yun dito ay hindi namin malalaman ! ganyan ka na ba katigis yang ulo mo ? o gusto mo pang pukpukin ko ng martilyo ? hindi mo pa nga masiyadong kilala ang lalaking yun ? tapos heto ka at parang aso kung maghabol ! " Hindi na po ako maghahabol sa kanya ma. tinapos ko na nga po para wala ng abala pa sa inyo dahil alam kong hindi niyo magugustuhan si Nathan. " sa oras na malaman kong nakikipag kita kapa sa lalaking yun ? tayo ang magtotoos, tandaan mo yan babae ! " Iniwan na ako ni mama dito sa kuwarto ko. Alam ko ma kaya nga wala na kami dahil pinili ko kayo kahit ayoko at kahit mahal ko si Nathan. Sinirado ko na ang pintoan at hinayaang lumandas na naman ang luha sa'king pisngi. Masakit dahil hindi nila tanggap si Nathan, at lalong masakit dahil hindi niya ako kayang ipaglaban. Tahimik akong tumingin at tumingala sa itaas habang minamasdan ang mga bituin. bata pa ako para maranasan ang ganitong sitwasiyon. Masakit tumatagos sa buto ang lungkot at sakit na nararamdaman ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD