' diba boyfriend yan ni Max ?'
' ooh tapos boyfriend din ni Erin '
' kaloka bakit naging jowa yan ni Erin eh Boyfriend yan ni Max '
' diba best friend si Erin at Max? '
' ooh nga no? '
' naku kung ako ang nasa kalagayan ni Max ay hihiwalayan ko ang lalaking yan. manloloko pala '
iilan lang yan sa mga narinig ko, chismiss daw pero dinig na dinig ko.
Mas lalo akong nanlambot sa narinig kong si Erin at Nathan ay mag jowa na, sobra-sobrang tiwala ang ibinigay ko kay Erin na hindi niya 'ko tatrydorin ngunit nagkamali ako.
" ay sorry Max ah? ano kasi ... --"
" wa...w..wa-wala yun "
ngumiti ako sa kanila para itago ang lungkot na nararamdaman ko. I'm very disappointed sa sarili ko, hindi ko man lang nabantayan ang boyfriend ko pero kahit anong bantay ko sa kanya ay alam kong maghahanap pa rin yan ng iba.
oo pagod na pagod na 'kong intindihin si Nathan ngunit hindi ganito ang gusto ko. gusto ko lang magpahinga ng ilang araw para lumamig ang init ng ulo ko. I know I'm being a selfish pero sana man lang binigyan niya ako ng oras para sa sarili ko kasi para na 'kong nauubos sa kanya.
Ibinaling ko nalang sa television na pinapanood naming magkaklase. Sa bawat string ng guitara ay nalolonod ang puso kong malungkot, hindi ko pa nakakausap si Nathan tungkol sa kanilang relasiyon. hindi ko na alam kung magagalit ba 'ko sa sarili ko o sa kanya, masiyado na ba akong pabaya para maghanap pa siya ng iba ? pero bakit sa kaibigan ko pa ? maari namang hindi ang kaibigan ko, maraming kababaiyahan dito sa pinas tapos sa kaibigan ko pa?!
???
Loving can hurt
Loving can hurt sometimes ?
Masakit. parang tinutusok ng karayom ang puso ko. bakit niya pinatulan ang boyfriend ko? bakit Erin ? may mali ba ako sayo ? Bakit niya sinagot si Nathan ? alam niyang ako ang girlfriend dito tapos eeksina pa siya ? anong rason kung bakit niya nagawa sa'kin to?
? But it's the only thing that I know
When it gets hard,
you know it can get hard sometimes ?
Naging mabuti naman akong Girlfriend sa kanya ah? bakit hindi pa rin yun enough ? kailangan ko pa bang maghubad sa harapan niya para lang huwag niya 'kong lokohin ?
?It is the only thing makes us feel alive
Gusto ko lang namang mahalin pero bakit madamot ang panahon ?
baka nga siguro ay hindi niya ako minahal, kung mahal niya 'ko ay hindi niya 'ko ipagpapalit sa iba dahil ako? siya lang ang kinababaliwan ko.. siya lang.
?We keep this love in a photograph
We made these memories for ourselves
Where our eyes are never closing
Hearts are never broken
And time's forever frozen, still... ?
Dumaloy ang likidong nanggagaling sa mata ko, hindi ko inisip na nasa loob ako ng classroom namin at paniguradong mapapansin agad nila 'to.
Ipinagsawalang bahala ko na lang ang luhang yon dahil sa pait at lungkot na bumabalot sa puso ko. Ukupado na ngayon ang isipan ko sa mga tanong na bumabagabag sa'kin.
" San Diego? umiiyak ka ? " si Mima
" Ha ? "
Agad kong binura ang likidong dumadaloy sa pisngi ko.
" w...w..w-wala to , na puwing lang ako "
" may na puwing bang umiiyak ? " si mima
" a..an..ano ..masakit lang talaga ang mata ko Mima "
Napansin agad ng mga kaklase ko ang sinabi ni Mima.
" oy napano yan ? ". classmate 1
" baka pinaiyak ni Mima ". classmate 2
" baka inaway mo Mima ?! ". classmate 3
" aba.. hindi ah ?! malay ko ba diyan eh nanonood lang ako dito , nakita kong bigla na lang tumulo yang luha niya, wala akong kasalanan sa kanya ! "
Nag-usap usap pa sila at tinatanong kung bakit ako umiiyak ngayon. nadaanan ko si Erin ng nilagpasan ko siya papuntang Comfort Room para doon ibuhos ang sakit. nakikita ko sa kanyang mata ang awa...naawa siya sa'kin ? bakit pa? . Nang makapasok na'ko sa loob ng Comfort Room ay Sinirado kong mabuti na walang makakapasok dito sa C.R.
Ibinuhos ko lahat ng sakit at umiyak ako ng tahimik sa loob para hindi nila marinig pa ang aking paghikbi na kanina ko pa pinigilan.
" a..a-ate ? s..si E-Erin to, ate Max so-sorry , hindi ko sinasadya... pa-patawarin mo sana 'ko ate Max "
Narinig ko ang ang pag-iyak ni Erin sa labas ng pintoan nitong Comfort Room,naghahalo-halo na ngayon ang mga tanong kung bakit niya nagawa sa'kin ang pagtaksilan ako at saksakin ng patalikod ?. tumawa ako ng mapakla sa sinabi niya. Sorry ? para saan pa ? nasaktan na'ko.
" do...d...do-don't w....w...w-worry Erin... hi...h....hi-hindi a...a...ako ma....m....ma-manggugulo sa inyo.. kahit kailan "
Pinilit kong ayusin ang tinig ko para itagong nahihirapan ako dito at nasasaktan sa nangyayari. ayokong magkaroon ng kaibigang taksil kaya napag-isip isip akong huwag agad ng magtiwala sa kaibigan pa ang maging boyfriend.
Nakinig lang ako sa labas na pinag usapan nila.
" ayan kasi tridor na kaibigan " . classmate 5
" sobra na bang makati besh? kaya mo tinuklaw ang sariling boyfriend ng kaibigan mo? wow ah " . si Eunice
" akala nga namin ay totoo kang kaibigan pero nagkamali lang kami at naging parti ka pa ng barkada ". si Alison
" yeah akala lang pala namin ". sang-ayon naman nila Nirvana at Easha.
Narinig ko pa ang ilang Komento ng mga kaklase ko sa labas habang tinutusta si Erin. Sa kabilang side ko ay naawa ako kay Erin dahil sinisisi siya ng lahat sa nangyari. ang suwerte ko dahil maraming nagmamahal sa'kin dito sa classroom namin.
" tapos ka na ba San Diego ? masakit na'tong pantog ko, ano ba ?! ". si Joshua
Si Joshua ang badboy sa classroom namin at lagi itong absent. matalino na sana kaso ayaw pang magtino.
" sa..sa-sandali lang ! "
Agad akong naghilamos para hindi halatang galing ako sa pag-iyak, halata pa rin naman dahil namumula ang mga mata ko.
" a...a-ate ? ate m...max ? o...o-okay ka la----". si Erin
Hindi ko na pinansin si Erin dahil alam kong kapag pinansin ko pa siya ay iiyak na naman ako.
" ano ba Erin ?! huwag ka ngang makulit ! nakita mo na ngang hindi okay diba ?! tapos tatanuningin mo sa walang kuwentang tanong na yan ? nag-iisap ka pa ba ? o ganyan ka na ba kakapal sa mukha mo ? ". si Nirvana
" plastic friend s***h tridor , how pity you are . para kang namamalimos ng pag-ibig Erin. binastid mo na lang kasi ". si Easha
Tinalikuran ko na lang sila at humarap sa may bintana at nilalanghap ang sariwang hanging dumadampi sa balat ko. Nag vibrate ang phone ko kaya tiningnan ko ito. si Nathan tumatawag.
Ring Ring Ring
Sasagutin ko pa ba ? , ngunit nagtalo na naman ang isip ko kung kaya't sinagot ko.
I composed myself calm at huminga ng malalim bago sagutin ang tawag niya.
>>>Sa Cell Phone
" H...Hello ? "
" ayos ka lang ba ? anong nangyari ? "
Nagagawa mo pang magsinungaling.
" a..a..a-ayos lang, napatawag ka pangga ? "
Pansin kong hindi na niya 'ko tinawag na pangga, ang endearment naming dalawa.
" w-wala namiss lang kita, may problema bang nangyari ? "
Ayaw ko mang sabihin pero kailangan.
" may relasiyon ba kayong dalawa ni Erin ? totoo ba ?"
mahinahon kong tanong sa kanya , hangga't maaari ay pakikinggan ko pa rin ang rason niya.
" a..a-ano ? tika saan mo na naman yan narinig ? sa mga kaklase mo? paniniwalaan mo ba sila kaysa sa'kin na boyfriend mo ?! "
Seriously ? sinungaling ka pa rin kahit totoo ?
" oo at hindi lang naman ang sagot mo pangga eh... bakit ganyan ka ka.defensive ?? "
" look, huwag kang maniwala sa mga kaklase mong yan. sinisiraan nila tayo para maghiwalay pangga. hindi mo ba yun nakikita ? naiinggit lang ang mga yan dahil matagal na tayong mag-jowa "
" huwag mo nga silang sisihin , dahil nagsasabi sila ng totoo at..si Erin ---"
" bakit ? may pruweba ba sila ? at anong nangyari kay Erin ----"
" ANO BA ?! TAMA NAAAAA ! pagod.na.pagod.na'ko sa mga kasinungalingan mo. Please tama na yang pagsisinungaling mo. magsabi ka naman ng totoo oh? hindi yung ako lang lagi ang naging totoo sa relasiyon na to. minahal kita .. mahal na mahal.... para akong nababaliw dito dahil sayo... baliw na baliw dahil nga mahal kita. napapanatili ko ang pagiging LOYAL ko sayo dahil MAHAL KITA ayokong maghanap ng iba dahil kontento na'ko sayo. Mahalin.mo.lang.ako yun lang Nathan ! mahirap ba yun ? kung mahirap akong mahalin bakit mo pa 'ko niligawan ha? bakit mo pa 'ko kinaibigan kung sa dulo ganyan ka ? kung sasaktan mo lang ako? akala ko lang kasi kapag sinagot na kita ay magagawa mo pang magbago pero nagkamali lang pala ako. maling mali na mahalin ka. huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako iskandalusang babae. hahayaan kita sa KAIBIGAN KO.. si Erin pa talaga ? sa iba na lang kasi Nathan.. SA IBA NA LANG HUWAG SA KAIBIGAN KO PA ! dahil pinapalaya na kita... congrats sa inyong dalawa Nathan... "
"P...pa-pangga ....so..so..sorry, ikaw naman talaga ang pipiliin ko sa inyung dalawa eh. wala lang sa'kin si Erin kaya please patawarin mo na 'ko "
" pagod na'ko Nathan, tama na.. "
I ended our call kasi hindi ko na kaya
Umiyak lang ako ng umiyak at itinago ang mukha sa desk ko. naramdaman kong ang tahimik ng paligid habang ako ay parang nagluluksa dito. Narinig kong itinigil ang kanilang panunuod ng television at bumalik sa kanya-kanyang upuan, ang iba naman ay lumapit para e.comfort ako.
" tama lang ang ginawa mo Max para hindi kana masaktan pa ". si Nirvana
" makakakita kapa ng totoong magmamahal sayo Max, nandtio lang kami para sayo ". si Mima
" sssssh it's okay to cry Max, iiyak mo lang yan ".si Easha
Masuwerte ako dahil may mga kaibigan akong katulad nilang tatlo dahil kapag nasa bahay pa ako umiyak, malamang ay pagtatawanan lang ako ng kuya ko pati sila mama.