Chapter two

1652 Words
Napangiti ako sa isiping maayos na ulit kami ni Nathaniel, labis-labis kong ikinatuwa yun at ayokong mag-away na naman kaming dalawa dahil lang sa walang kwentang bagay. mahal na mahal ko si Nathan at ayokong mawala siya sa'kin. Malapad ang ngiti kong pumasok sa school at hindi mapawi ang ngiting bumabalot sa puso ko, parang ayoko ng mawala pa ang galak na'to. Flag Ceremony na kaya napaayos ako ng tayo habang inaayos ko tung pack bag ko at tumayo ng matuwid nang magsimula na ang pambansang awitin. " may sasabihin ako sayo mamaya ate Max " Bulong sa'kin ni Erin sa likuran ko. paniguradong late na naman ang babaeng 'to. " sige pagkatapos nitong flag ceremony natin " Ilang minuto ang nakalipas ay natapos na rin ang flag ceremony namin, kanya-kanya kaming papunta saming mga classroom. sumabay na'ko kay Erin dahil na rin sa gusto kong malaman kung anong sasabihin niya sa'kin. Si Erinalyx "Erin" Devera ay isa sa mga naging kaibigan ko dito sa loob ng aming classroom. mabait din siya at mas bata sa'kin ng isang taon. Lumapit ako kay Erin para tanongin ang bagay na nagpagulo sa'king isipan. " ahm.. ate Max .. y..yu..yu-yung boyfriend mo kasi... a..an..a-ano --" " diretsohin mo na lang ako Erin, ano ba yun ? " " he texted me na liligawan niya 'ko " Dahil sa sinabi ni Erin ay napaiwas ako ng tingin sa kanya. hindi ako galit kay Erin, galit ako kay Nathan. okay na sana kami eh kaso ayan na naman siya. umandar na naman ang pagiging babaero niya. Napaisip din ako minsan, sa tinatagal-tagal ko ba namang nagtitiis sa piling ni Nathan ay pikit-mata ko nalang tinanggap ang lahat dahil alam kong napaka-babaero ni Nathan but I choose to stay kahit nasasaktan na'ko sa mga pinanggagawa niya. " a-ate Max ga-galit ka ba sa'kin ? " " hindi naman ako galit Erin pero yung lalaking yun... masiyado na yatang nasobrahan sa pagiging babaero niya " I want to scream loud kaso hindi ako makasigaw ng ganon dahil nasa School kami, kung pwede lang sanang sumigaw ay ginawa ko na. " tara na Max magsisimula na ang klase, paparating na si teacher Elmera baka mapagalitan tayo, alam mo naman yun strict " Sigaw ni Alison o Dixie Alison, isa sa mga kaibigan ko dito sa School. she's nice kaya magkasundo kaming dalawa sa ibang mga bagay-bagay. Muntik ko nang makalimutang may klase pa kami, agad kaming pumasok sa loob ng classroom. takot kami kay Teacher Elmera, siya kasi ang Science Teacher namin kaya mabilis kaming mag-ayos kapag papasok na si Teacher Elmera. Mabilis maglakad si Teacher Elmera kaya madali siyang dumating at nakapasok dito sa loob ng classroom namin. tiningan niya kami isa-isa habang panay lipat ng mga mga pahina sa libro niya. nakakatakot kung titingnan ang mga mata ni Teacher Elmera, pati yung boses niya. lahat kami ay alerto kapag nandiyan na ang presensiya niya at kailangan kaming maging handa kapag binabanggit na niya ang mga apelyedo namin. " Anyone ? anong tinalakay natin kahapon ? " She's looking at us na parang nang-uusig, para kaming may kasalanan nito... nakayuko lang ang ilan habang binabasa ang xerox copies na ibinigay sa'min ni Teacher Elmera. " ANNOUNCEMENT TO ALL TEACHERS , TODAY WE HAVE AN EMERGENCY MEETING RIGHT NOW! SO EXPECTED TO GIVE YOUR STUDENTS ANY SIT-WORK. BE HERE RIGHT AWAY ! GODBLESS AND THANK YOU. " Abot langit ang ngiti naming lahat ng marinig namin ang malaking tinig na yon mula sa sound box na nasa itaas ng puno sa ground. we are save by that. " Nakalusot kayo dahil may emergency meeting kami ngayon. Please answer page 3 at the back of your Xerox copy numbers 1- 20. answer them correctly on your 1 whole sheet of paper. pass it to Miss Alana , Alana make sure na you collect their papers before 8 am tomorrow dahil hindi ko na tatanggapin yan kung mala-late ka tomorrow. " " Yes ma'am " Grabe naman yan, kailangan kong mag basa mamaya para masagutan ko lahat ng tanong don. ang hirap pa naman ng mga sasagutan namin. " okay , so goodbye class ! " Tumayo kaming lahat para magpaalam s a teacher namin. " Goodbye ma'am Elmera, Goodbye classmates, see you tomorrow " Nang lumabas ng classroom si ma'am Elmera at nang makalayo na dito sa section namin ay saka naghiyawan ang lahat ng kaklase namin. " Yeeees ! walang klase ngayon ! " Isa sa mga kaklase kong tumalon-talon dahil sa sobrang galak. " Pero may ipapagawa ang ibang subjects natin classmates dahil nag-text sa'kin sila ma'am " Sabi ng classroom President namin at tinawag ang aming Secretary. Agad namang lumapit sa blackboard ang aming Secretary para magsulat. ang iba ay naghanda ng kanya-kanyang notebooks at ballpen, ang iba naman ay naglabasan ng kanilang mga cellphone para picture-ran ang nasa blackboard. Habang kami ay nagsusulat, biglang nag text sa'kin si Alison, bakit pa siya mag tetext kung ang lapit lang naming dalawa. >>>> Text message From Alison : Max, samahan mo'ko sa labas ah? kupya ka nalang sa iba nating classmates. °°° To Alison : Bakit ka pa mag tetext sa'kin ? ang lapit lang natin gaga. sige² sent °°° Lumapit si Alison sa'kin at ngumiti. " so ... tara ? libre ko " Napangiti nalang ako sa kanya. " sige sabi mo yan eh " Akma na sana kaming tatayo ng humarang sila Erin. " oy-oy-oy tika nga . kayong dalawa saan naman kayo pupunta abir ? mahaba pa ang mga letra at magsusulat pa tayo " " Sa canteen lang kami Erin " Nagliwanag naman ang mukha ni Erin sa sinabi ni Alison sa kanya. " Talaga ? sama ak---". si Erin " ako din ". si Nirvana " ay ang daya , sama ako Max " . si Easha Nagkatinginan kami ni Alison. hays kapag sasama ang isa..ay sasama lahat. tropa eh. " Okay... pero dapat tayong magtago kapag nakita tayo ng ilang teachers ha? baka mapagalitan na naman tayo nito eh " " game ! ". lahat kami Sinang-ayunan namin lahat kahit alam naming mapapagalitan talaga kaming lahat nito. " Bawal lumabas sabi ng Adviser natin. Vice President ka pa naman tapos ay ikaw pa ang magle.lead sa kanila ? San diego hindi kayo lalabas. kapag lumabas kayo ng pintong yan ? isusumbong ko kayo sa Teacher natin. " (Author's insert pov : ' Kapag lumabas ka ng pintong yan ?! masasaktan ka at hindi ka na makakatikim ni-sintimo galing sa'kin...' familiar ba ? ×D sa radio yan lagi maririnig. anyway continue na. happy reading ). Nalukot ang mukha ni Nirvana dahil sa sinabi ng President namin. " pano yan ? walang libre ? ". si Erin " ok's lang yan may next time pa naman eh, bawi tayo next time guys ". si Alison Bumalik na lang kami sa kanya kanya naming mga upuan. wala din naman kaming laban don, malakas yun sa Adviser namin kaya malamang na makakarating yun sa Adviser namin kapag sinuway namin siya. Nagpatuloy nalang kaming magsulat ngunit naisip ko si Nathan kaya hinayaan kong maging malikot ang aking kamay sa bulsa ko para makuha ang aking maliit na cell phone na bigay ni Nathan. >>>>> 5 messages received From Nathan : ' Pangga ? tapos na ba ang klase niyo ? ' ' Pangga ? ' ' Pangga mamaya tatawag ako baka busy ka pa ngayon ' ' mag iingat ka diyan lagi may trabaho pa'ko dito sa bahay , labyow ' ' huwag ka na mag reply pangga, off ko na tung cellphone ko ' >>>>> 10 missed calls Tiningnan ko yun at hindi nga ako nagkamali, kay Nathan ang missed call na yun. Gusto ko sanang makausap siya ngayong mahaba-haba ang oras ko. hindi ko maririnig yung tinig niya kapag nasa bahay ako.. limitado lang baka mahuli nila 'ko. Magre-reply na sana 'ko kaso naalala ko ang text niya kaya huwag na lang. " oh ? napano ka ? parang bernes-santo yang mukha mo, San Diego ". si Mima " ah wala to Mima " " wala nga ba ? " " wala nga " Nagtagumpay naman akong hindi na nangulit pa si Mima. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng dibdib ko, okay naman kaming dalawa ni Nathan pero habang tumatagal ay nagbabago ang pakikitungo niya sa'kin simula ng dumating siya dito sa probinsiya namin. pakiramdam ko nga ay ang lamig na ng relasiyon namin. malimit na nga siyang tumawag sa'kin, minsan lang din akong makatanggap ng text galing sa kanya. Lumipas ang ilang araw at linggo, mag ta-tatlong linggo na pala simula ng umuwi dito si Nathan sa probinsiya namin. ganon pa din ang nakagawian naming dalawa. malimit pa rin siyang mag-text at tawag sa'kin, gagawin pa niyang palusot ang trabaho niya sa bahay nila. masakit. masakit dahil hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan. Ayokong tumunga-nga nalang dito at gusto kong malaman ang rason niya kung bakit siya nagkakaganyan. Ring Ring Ring Sagutin mo naman sana Nathan. " oh hello pangga ? napatawag ka ? " " may... may...iba ka na ba Nathan ? Okay pa ba tayo ? " " o-o-ooh naman , wala akong ibang minahal pangga, i-i-ikaw lang " " sabihin mo lang sa'kin kung .... kung pagod ka na pangga.. dahil papakawalan kita kahit sobra kitang mahal , ayokong napipilitan ka lang na pakisamahan ako.. kung saan ka sasaya ay doon ako " Narinig kong humugut siya ng malalim na hangin bago niya ibinuga ang hanging yon. " parang gusto mong maghiwalay tayo pangga, may iba ka na ba ? magaling ba siya sa kama kung ganon ? baka iiwan ka lang niyan kapag nakuha ka na niya at nabuntis " Ang pagiging mahina ko ba ang dahilan para huwag niya kong hiwalayan ? " pangga... mahal mo nga ba talaga ako ? " " ano bang klasing tanong yan pangga. malamang mahal kita, tatagal ba tong relasiyon natin kung hindi kita mahal ? baka nga may iba ka na dahil sa tono pa lang ng pananalita mo parang may bago ka " " pinagdududahan mo ba ako pangga ? wala akong iba. alam mo kung gaano ako ka loyal sayo diba ? " " malay ko.. sa layo ba naman ng maynila, malay ko kung may iba kang inaasikaso " " mag-aaway na naman ba tayo ? " " hindi tayo mag-aaway kung hindi mo sinimulan " " kung ganon, ano pang say-say na pahabain pa natin tong relasiyon ? maghiwalay na lang tayo Nathan " " yan. diyan ka magaling sa hiwalayan, bakit ka makikipag hiwalay sa'kin ? siguro may bago ka na no? ano? guwapo ba ? kaya ka bang alagaan ng lalaking yan ? " " Nathan ..tama na ! pwede ba?! wala akong iba. tigilan mo nga yang pagdududa mo sa'kin dahil ayoko na ! pagod na'ko " " Sige ! pero huwag kang manghihinayang sa'kin kung paiiyakin ka lang ng lalaking yan " " wala nga sabi akong iba ! ano ba Nathan?! hindi ka ba titigil ? " " bahala ka kung anong gusto mo " >>>>>totoot He ended our call, masakit oo pero kailangan ko ding piliin ang sarili ko kahit ngayon lang. >>>>> Text message Kinalikot ng aking kamay ang cell phone ko para gumawa ng mensahi. To Nathan : I'm sorry pangga pero I need space :( sent °°° >> 1 message received From Nathan : okay, sorry din kanina pangga. pero walang hiwalayan sating dalawa. °°° I'm so sick and tired bakit hindi niya yun maintindihan ? pagod na pagod na ko sa relasiyon namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD