“BABY, I’m really sorry. I don’t think I can attend Nigel’s funeral. I really wanted to pero hindi maganda ang kondisyon ni Papa ngayon.” Pinigilan kong mapabuntong-hininga sa narinig mula kay Dylan. It’s been two days since he went back to Manila with his mother. Ayaw pa sana niyang sumama subalit ako na ang nagpilit na sumama siya. Hindi ko na gustong dagdagan pa ang disgusto ng kaniyang ina sa akin. “It’s okay, Dy. You don’t have to say sorry. Mas dapat na asikasuhin mo ang Papa mo at kung ano man ang problema sa ospital.” I heard him sigh on the other line. Wala akong ideya kung ano ang problema ng ospital nila and I didn’t even try to know. Pero kahapon ay tumawag siya na nag-collapse daw ang kaniyang ama at ngayon ay under observation sa ICU. With that, I presumed that there’s a h

