KINABUKASAN, umaga pa lang ay nasa bahay na ako nila Linette upang samahan siya sa unang prenatal check-up niya. Nagulat ako nang abutan ko si Noel sa salas ng bahay nila Linette at mukhang hinihintay din ang kaibigan naming lumabas ng kwarto. “Kanina ka pa?” tanong ko kay Noel habang palapit sa kinauupuan niya. He looked at his wrist watch before answering. “Five minutes, I guess.” Tumango ako at naupo sa pang-isahang sofa. Walang nagsalita sa aming dalawa. Panaka-naka ay sumusulyap ako sa kaniya ngunit agad ding magbabawi kapag napapatingin siya sa akin. I heard him sigh. “I’m sorry, Nami.” I looked at him with a knotted forehead. “Sorry for what?” “About Khalil,” his voice almost inaudible. “Last month pa siya nakabalik dito sa bansa. I’m sorry that I didn’t tell you right away

