Chapter 86

1692 Words

PASADO alas cuatro na ng hapon nang makarating kami ni Dylan sa San Sebastian. Nagtanghalian na kami sa nadaanan naming restaurant habang bumibiyahe kaya hindi ako nakaramdam ng gutom. “Naomi!” Sinalubong agad ako ni Nanay ng mahigpit na yakap pagpasok ko pa lang sa salas ng bahay. “Ang Kuya mo. Diyos ko po…” Parang may malakas na kamay na sumakal sa akin nang makita ko ang pag-iyak ni Nanay sa harap ko. Ginantihan ko siya ng yakap upang aluhin kahit na halos sasabog na rin ang puso ko sa sobrang pag-aalala para kay Kuya Nigel. “Mahal, paupuin mo muna ang anak mo. Pagod din sila ni Dylan sa biyahe.” Lumapit si Tatay sa aming mag-ina at agad na inalalayan si Nanay palayo sa akin. “Natulog lang po ako habang sa biyahe, Tay. Itong si Dylan po ang tiyak na pagod sa pagmamaneho,” wika ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD