“COME on, Nami! Sumama ka na sa akin sa acquaintance party ng HRM department natin. Alam mo namang maraming admirers mo ang nag-aabang na pumunta ka. Isa pa, ikaw ang ‘Face of the Night’ last year kay hindi pwedeng basta ka na lang maging missing-in-action ngayong taon.” “Wala akong ganang pumunta, Margaux.” Patamad akong nahiga sa kama ng aking college best friend at ka-share sa apartment. “Sabihin mo na lang na masama ang pakiramdam ko.” “Ayokong magsinungaling.” Suplada niyang sagot habang abala sa pagko-contour ng kaniyang mukha sa harap ng vanity mirror niya. Natawa ako. “Pero nagsisinungaling ka sa landlady natin kapag ginagabi ka ng uwi galing sa bahay ng boyfriend mo. Remember, lagi pa nga kitang pinagtatakpan kasi malaki ang tiwala niya sa akin? Good girl kasi ako.” Inirapan a

