PINAG-KRUS ko ang aking mga braso nang sumalubong sa akin ang lamig ng panggabing hangin sa labas ng auditorium. I looked around and saw more people coming for the event. Ang iba’y excited pa dahil sa nabalitaang surprised appearance ni Erin dela Torre. Naglakad ako patungo sa may kahabaang canopy kung saan nakapwesto ang steel benches. Naupo ako at pinagmasdan ang outdoor field na ngayon ay maliwanag dahil sa ilaw ng poste at bilog na buwan. Muling lumipad ang isip ko sa nakalipas ng mga araw. Hindi na bago sa akin ang ganitong pakiramdam. I’ve felt this way before. Noong maraming babae ang nakaaligid kay Khalil. Naramdaman ko ito kay Sandra, kay Felicity at kay Tiffany. I clearly understand why I am having this weird feeling towards Erin dela Torre. At natatakot ako dahil hindi pa ako

