“NAKS, iba na talaga kapag in-love! Maganda na’y lalo pang gumaganda.” Pinamulahan ako dahil sa bungad sa akin ni Margaux nang makalabas ako ng kwarto. Inilapag niya sa dining tabe ang plato ng nilutong almusal at lumapit sa akin. She held my shoulders and looked at me from head to toe. I was wearing a white shirt with a cute teddy bear design at the center, tucked-in under a mid-length maong skirt na may disenyong lace sa dulo. White sneakers naman ang aking suot na sapatos. I let my hair loose at mas nadepina ang mermaid curls dahil umabot na sa baywang ang aking buhok. Simpleng pulbos at lip balm ang kolorete sa aking mukha. “Wala namang nagbago sa style mo pero feeling ko lalo kang gumanda,” kunot-noong puna ng kaibigan ko. “Unlike noong nobyo mo si Khalil, mukha kang haggard at pr

