“IPAPAALALA ko lang sa inyo, class. Hanggang mamayang hapon na lang ang deadline of submission ng inyong resume at list ng hotels and restaurants na nais niyong apply-an for OJT. Makikipag-usap pa kasi ang university sa mga nasa listahan ninyo to know kung ilang slots ang available nila.” “Ma’am, paano po kung hindi kami makapagpasa hanggang mamaya?” Nagtaas pa ng kamay ang isa kong kaklase habang nagtatanong sa aming adviser na si Miss Lena. “If that’s the case, iyong makapagpapasa hanggang ngayong araw ang priority’ng bigyan ng slot. For those who will fail to submit, you have to wait for our notice kung saan kayo papasok for OJT. That’s after ma-settle ang papasukan ng mga nagpasa.” Ilan sa mga kaklase ko ang naringgan ko ng reklamo. Marahil ay hindi pa sila nakakapagpasa ng requirem

