NANG tanghaling iyon ay nagyaya si Kuya Nigel na kumain kami sa isa mga restaurant ng resort imbes na magpa-deliver na lang sa tinutuluyan namin. We chose a seafood restaurant nearest to the pool side. Nakaka-relax din kasing pagmasdan ang view ng pool at ang background nitong bulubundukin ng Sierra Madre. Sa pagkakatanda ko sa sinabi ng staff kanina ay lima yata ang restaurant dito sa resort at may isang bar. Kaya siguro hindi masyadong crowded sa napili naming kainan dahil may iba pang pagpipilian ang mga guests at may option din silang magpa-room service na lang. I bet that an overnight stay in this resort is expensive. Hindi kasi basta-basta ang amenities at ambiance ng lugar. Very private and relaxing. Hindi gaya ng iba kong napuntahang resorts na masyadong crowded at kahit may saril

