Sa mga sumunod na araw, naging sunod-sunod na ang pagtakas ko sa bahay namin 'pag magha-hatinggabi na just to meet up with Jude. I'd always make sure na mahimbing na mahimbing na ang tulog nila Mama upang hindi nila ako makita. Then uuwi ako kapag alas tres na ng madaling araw bago pa man magising ang mga magulang ko. We spent our remaining semestral break together nang patago. Ngayong darating na Lunes ay magsisimula na naman ang second semester. Kagaya na lamang ngayon. Sabado ngayon ng madaling araw. Nasa condo ako ni Jude and we decided na mag-swimming sa pool na nasa rooftop ng condo building. It was already midnight but I thought na exciting iyon kaya pumayag na rin ako. That would be our first time swimming together. Nagulat na lang kasi ako nang may binigay siyang paper bag sa

