Habang lumalalim ang gabi ay mas lalong naging maingay ang buong paligid. Ang ilan sa mga bisita ni Kuya Jacob ay mga lasing na rin at halos hindi na kayang tumayo sa sariling mga paa. But that made things more exciting. "Althea, huy! Tama na 'yan, ano ba!" sita ni Joanna sa kaibigan naming ilang bote na ng beer ang naubos. Winaksi naman ni Althea ang mga kamay ni Joanna. "Jo, ano ba! Hayaan mo na ako," lasing na wika nito at muling tinungga ang natitirang laman ng bote. Napailing na lamang si Joanna sa kaibigan namin habang ako naman ay halos umawang na ang bibig dahil sa taas ng alcohol tolerance niya. Napatingin ako sa napakaraming bote na nasa lamesa namin, lahat ng 'yon ay wala nang laman at tanging siya lang ang umubos no'n. When I tried to count all the bottles in front of us,

