DICLAIMER: I would like to remind you guys that this is the new version of When He Falls. You can read the old version just go to my profile. Please don't put your comment if you see anything na mali or errors. Magulo din ang old version kasi ginawa ko iyon way back on college at hindi ko pa iyon na-e-edit hanggang ngayon. I posted here because some readers still wants to read it. Pero kung hindi ka fan ng errors at typos better leave the old one. Thank you!
Four weeks.
I haven't seen Javier for four week. Huli ko siyang nakausap at nakasama ay noong ipinahiya siya ni mommy at pinagsalitaan siya ng masama.
Everyday, I sent him a text message to inform him about our plates and other activities but I get no response. Nag-aalala na ako sakanya dahil wala siyang paramdam lalo na't punong-puno na kami ng plates. Also, I want to apologize for what my mommy did to him dahil masyado iyong below the belt and I don't want to think na katulad din ako ni mommy.
Last week I decided to go to his apartment to check on him but the land lady told me that he haven't seen him too. Kabado ako sa mga naiisip kong nangyari sakanya pero siguro may reason din siya bakit hindi siya nagpapakita.
Nag-aalala ako sa lagay ni Javier dahil mag-isa na lang siya sa buhay. He wanted to finish his study and get a degree in architecture dahil 'yon daw ang pangarap ng mga magulang niya. Pero kung ganitong hindi siya pumapasok, he'll get an straight failed remarks sa mga subjects namin. Sinubukan ko ring magtanong-tanong sa mga kakilala niya pero maging sila ay hindi alam kung nasaan si Javier. Also, I went to his workplace kung saan siya nagpapart-time job pero maging doon wala din siya.
In four weeks, some of our friends and professors asked me the whereabouts of Javier pero wala akong maisagot sakanila. Malapit na matapos ang semester at mamaging fifth year na kami.
Nito ring nagdaang linggo, I've been alone. Palagi akong mag-isa sa library to finish my plates and other important activities sa ibang subject. Madalas lumalapit si Tyron sa akin pero madalas din akong umiiwas kapag nakikita ko siya pero dad have requested Tyron to be my driver going to school kaya madalas siya sa bahay tuwing umaga.
Next week na rin ang engagement party ni Leandro Del Franco kaya madalas ding nasa bahay ang designer na gagawa ng susuotin naming gown ni mommy. Kapag may mga okasyon talaga ay palaging pinaghahandaan ni mommy ang susuotin kaya kahit gumastos siya ng limpak-limpak na pera ay wala siyang pakialam.
I glared at Tyron when he sat beside me. Andito na naman ang bwisit na ito. Umang-umaga ay nagpunta dito.
"Madaming bakanteng upuan dito sa dinning area tapos dito ka pa talaga sa tabi ko umupo," naiinis kong sambit. Masama ko siyang tinignan pero wala siyang balak na seryosohin ang sinabi ko dahil nakapaskil sa labi niya ang nakakalokong ngiti.
Huminga na lang ako ng malalim dahil ayaw kong masira ang araw ko ngayon. Alam kong nandito na naman siya dahil siguradong inutusan na naman siya ni daddy na ihatid ako sa boutique nung designer na gagawa ng gown ko.
Palagi din siyang nasa bahay para maghatid sa akin sa Del Franco pero madalas kapag wala si daddy ay tinatangihan ko siya at tumatakas ako sakanya. But, if daddy is here he'll definitely tell me to go with Tyron and that is final.
"Wala ba kayong pagkain sa bahay niyo? You're always here to eat," I said looking at him with a disgust face. Sinadya kong lagyan ng sarkastikong tono ang sinabi ko para maramdaman niyang ayaw ko siyang makasama ngayong araw.
Ayaw ko ding nakikita kaming magkasama dahil may mga kumakalat na balitang nagkabalikan kami pero hindi ko iyon pinapatulan dahil wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. I am done dealing with Tyron's attitude and disloyalty noong kami pa.
Alam kong wala akong nararamdaman sakanya but we are in a relationship kaya dapat maging loyal siya dahil hindi lang siya ang masisira ang pangalan niya kundi ako din. Ilang beses ko na siyang nakikitang nambabae pero madalas ko iyong binabalewala dahil wala naman akong nararamdaman na kahit selos o pagmamahal, it's just that, its disgusting to know that you're jumping from one women to another. Ayaw ko lang masira ang pangalan ko because I am holding into my hands the name of our company.
Tyron tried to put his hand on top of my hand. Inalis ko ang kamay kong nakapatong sa mesa. I gave him a death glare.
"I am here to fetch you. 'Di kaba masayang ako ang maghahatid sayo?" kumindat pa siya sa akin. Umiling na lang ako sa sinabi niya.
He is playboy and he knew how to make a girl beg on their knees para lang makasama siya sa iisang kama. Noong kami pang dalawa he always insist boyfriend ko siya kaya kailangang may mangyari sa amin at palagi kong sinasabi sakanya na hindi ako handa. That's one of the reason why I hated him he is too agressive at manyak pa samahan pa ng ugali niyang umaalingasaw.
Ngumiti siya sa kasambahay namin bago niya ito utusan.
"Manang, put some food on my plate!" Huminga ako ng malalim para pigilan ang sariling huwag sumabog sa galit sa pagiging bossy niya sa sariling bahay namin. I never did that to our maids dahil kaya ko namang lagyan ng pagkain ang pinggan ko. I can even feed myself pero siya? Sobra na!
Walang nagawa ang kasambahay namin. Tumingin na lang sa akin saka nahihiyang ngumiti. Naglagay ito ng kaonting pagkain at ulam sa pinggan niya.
Bumaling ako kay Tyron. He's looking at me. "Kung hindi lang dahil sa utos ni daddy ako sasakay sa sasakyan mo. I'll better walk alone than sit beside you on your car," uminom ako ng tubig para pakalmahin ang sarili ko.
I saw him clenched his jaws. Nakayukom din ang kanyang dalawang kamay. When I am done calming myself, I smile devilishly bago ako tumayo para iwanan siya sa hapag. Nagmadali akong umakyat sa kwarto para kunin ang mga gamit ko saka bumaba muli only to see him comfortably sitting on couch.
"Let's go?" he said. Umiling ako sakanya.
"I can drive my own car. I told you, I don't want to be with you." Ipinakita ko pa sakanya ang susi ng kotse ko.
Anger dripped in his face. Namula ang buong mukha niya. "Bakit ba ang tigas mo Marga? I am doing this para magkabalikan tayo!" tumaas na ang boses niya dahil sa galit. Tinignan ko lang siya dahil wala akong pakialam sa sinabi niya.
Did he say that he's doing this para magkabalikan kami? Tumawa ako ng malakas na siyang nagpagalit pa sakanya.
"I'll never go back to you." I said.
Tinalikuran ko siya saka mabilis akong naglakad patungo sa sasakyan kong nakaparada na sa harap ng bahay namin. I told the guard to ready my car at mukhang nagdadalawang isip pa sila kanina because dad instruct them that Tyron will be the one to drive me today. But, I told them na kaya ko naman and they agreed to it that why I gave them an assurance na hindi ito makakarating kay daddy.
"Marga!" Hindi ko namalayang nakasunod na pala si Tyron sa akin. I face him and gave him a bored look. Wala akong oras para makipagtalo pa sakanya at pag-usapan namin ang gusto niyang mangyari dahil wala na akong pakialam sakanya.
I opened the door of my car. Pinigilan niya akong makapasok sa loob dahil itinulak niyang muli ang pintuan para magsara ito. If dad is here hindi niya ako papayagang magmaneho dahil siguradong kay Tyron ako sasabay.
"I'll tell this to your dad!" namumula na sa galit si Tyron. I sighed.
"Go! Tell him! Wala akong pakialam! Hindi ko nga alam ba't ang kapal ng mukha mong paulit-ulit na bumabalik dito! At sino kaba? Body guard ba kita? Tuta kaba ni daddy? Tyron you're just my ex! Pinagsisihan ko nga na sinunod ko sila daddy para lang sa kumpanya dahil kung alam ko lang ang tunay mong ugali baka pipiliin ko na lang mamatay kaysa magkaroon tayo ng kaugnayan!" May diin ang bawat salitang binitawan ko para maramdaman niya ang galit ko. Kung galit siya mas galit ako. If he's going to tell this to dad wala na akong pakialam doon.
Marahas kong itinulak siya para mabuksan ko ang pintuan ng kotse ko.
"Dahil ba kay Javier kaya ka nagkakaganito?" he simply said. His eyes are full of rage.
Natigilan ako. Javier? Bakit napasok so Javier dito?
"Kailan pa naging usapan si Javier dito? Javier is my friend! Bago ka pa dumating, kaibigan ko na siya." umiling ako dahil hindi ako makapaniwala sa naiisip ni Tyron ngayon.
"Hindi kaibigan ang turing niya sayo marga!" hinampas niya ang kamay niya sa bubuong ng kotse ko. Napapikit ako dahil sa gulat pero nakabawi din.
"So? Anong gusto mong gawin ko? Atsaka huwag mong pakialaman ang buhay ko o ni Javier! You know what? Hindi lang ako nasusuka sayo, nandidiri pa. Hindi mo ba nakikita Tyron? 'Di kita gusto at kailanman hindi kita nagustuhan! Ang anim na buwang naging tayo are those days na gusto ko na lang maglaho!" pagkasabi ko ng mga salitang iyan paradarag kong binuksan ang pintuan ng kotse ko. "Please get a life!" dagdag ko pa bago ako sumakay at isinarado ang pintuan.
Tinted ang kotse ko kaya hindi niya ako kita sa loob. Huminga muna ako ng malalim dahil tila naubusan ng hangin ang baga ko dahil sa sagutan namin. Nakayuko lang si Tyron sa labas. I started the engine of my car and before I maneuver it I saw Tyron's eyes. Full of anger.
Nag-iwas ako ng tingin kahit 'di naman talaga niya ako nakikita sa loob. Pinaharurot ko ang kotse palabas ng bahay.
Mabilis lang ang ginawa kong pagpunta sa designer ng gown ko. May kailangan lang i-adjust kaya pumunta na lang ako doon at para matakasan din si Tyron. After I am done with my appointment, umalis na ako para makapasok dahil may klase pa ako.
Pagkababa ko sa kotse ay mabilis ang ginawa kong lakad hanggang sa nakarating ako sa corridor na puno ng mga estudyante na nakatambay.
"Speaking of the devil!" I heard someone say that but I ignore it.
Dumaan ako sa grupo ng mga babae. They are looking at me tapos biglang tatawa at magbubulungbulungan. Again, I ignore it. Nandoon si Gwynette at ang mga ibang member ng cheering squad ng school.
"So, tama pala ang bulung-bulungan sa buong campus na nagbalikan kayo ni Tyron," natigil ako sa paglalakad when I heard Gwynette behind me. "Di'ba ikaw ang nakipagbreak? Edi parang pinulot mo lang din ang tinapon mo." dagdag pa niya. Tumatawa ang mga kasama niya kaya hinarap ko siya.
Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil sa mga sinabi niya. Where did she get these nonsense rumours? Kailan pa ako nakipagbalikan kay Tyron? Ngumiti siya sa akin habang pinapaikot niya sa hintuturo ang dulo ng buhok niya.
I heard many stories about her. She's known to be a queen b***h here in Del Franco dahil siya lang naman ang anak ng may ari ng school na ito. No one dare to fight her dahil siguradong tangal. I thought she's nice and good to Javier's girlfriend pero nagkamali pala ako.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa and I can see that she's classy and high maintained. She's wearing a Gianvito Rossi black suede heels, a latest gucci hand bag and a michael kors leather black jacket. Walang lalaking hindi magkakagusto sakanya dahil maganda at sexy din siya.
Ibinalik ko ang tingin ko sa mata niya. Anger is all over her face. Tinaasan ko siya ng kilay.
"I didn't know that I am famous now. And to correct that rumour, hindi kami nagkabalikan ni Tyron, so please, excuse me I have a class to attend to," isang ngiti ang ibinigay ko sakanya bago ko siya tinalikuran.
"Ah, kaya pala nawawala si Javier kasi nilalandi mo siya tapos kayo pala ni Tyron." Nagbungisngisan ang mga kasama niya. Hindi ko alam kung anong meron sa araw na ito, kanina ay dahil kay Tyron, ngayon naman ay kay Gwynette at sa tsismis na kumakalat tungkol sa akin.
Huminga muna ako bago dahan-dahang hinarap si Gwynette. Late na ako pero pagbibigyan ko ang isang ito. They don't know about the reason why Javier is not here and I want them to know that the rumours are not true!
"I get it. Wala kayong alam kaya naniniwala kayo sa sabi-sabi. But, to tell you this, the rumours you heard about me is just a rumours. Walang katotohanan." I said. Ayaw ko magkaroon ng kaayaw kaya kahit na kumukulo na ang dugo ko ngayon, I will make myself calm.
Humalakhak si Gwynette na parang may nakakatawa sa mga sinabi ko.
"Bakit hindi natin tanungin si Tyron?" naguluhan ako sa sinabi ni Gwynette pero napagtanto ko rin nang lapitan ako ni Tyron at inakbayan pa. Agad kong ibinaba ang kamay niyang nakaakbay sa akin. He chuckled. I glared at him saka lumayo sakanya.
"What's wrong babe?" nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Tyron. How dare him?! Walang hiyang lalaki to!
"See? Malandi ka! Nilalandi mo si Javier habang kayo ni Tyron! Akala ko isa kang mabuting babae pero nasa loob din pala ang kulo mo!" Malakas ang boses ni Gwynette kaya rinig na rinig sa buong corridor. Ang ibang estudyanteng napaparaan ay napapatigil saglit sa amin.
Isang sampal ang iginawad ko sa mukha ni Tyron. "You! You're disgusting idiot! Wala ka ng ginawa kundi guluhin ako!" Naglakad ako paalis sa building. Tinitignan ako ng bawat taong dinadaanan ko at iba ang sakanila ay nagbubulung-bulungan pa.
Wala akong maisip na pupuntahan kaya minabuti ko na lang na lumabas ng campus para magpalamig sa isang coffee shop. Hindi ko alam bakit nangyayari ang mga ito sa akin. Sana andito si Javier siguradong papakinggan ako nun sa mga problema ko.