Kabanata 5.1

1152 Words
Nakatunganga lang ako ng halos limang oras sa coffee shop. Hindi na ako pumasok sa mga subject ko. Tatanungin ko na lang ang ibang mga kaklase ko para sa namissed kong klase. Humigop ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko dahil hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo ko sa ginawa ni Tyron. Pinagmukha niya akong masama sa harap ng ibang tao. Sa ginawa niya ay parang kinukumpirma niya ang mga tsismis tungkol sa aming dalawa. Wala sa sarili akong inihiga ang ulo ko sa table. Pagod na nga akong mag-isip kung ano na ang nangyari kay Javier tapos may ganito pang eksena ngayon!  Binuksan ko ang cellphone ko at agad na nagtipa ng mensahe para kay Javier. Kagabi tinadtad ko siya ng text baka sakaling magreply siya pero wala pa rin akong natanggap.  To: Javier Kumusta kana? Madami ka nang namissed na klase atsaka mga plates. Sending... Sent Pinatay kong muli ang cellphone ko nang pumasok ang mensahe ko para sakanya. 'Di ako sigurado kung natatanggap niya ang mga iyon o kung binabasa ba niya. Pumikit ako ng mariin. Gulong-gulo na ang isip ko ngayon. Inayos ko ang sarili ko. Tinignan ko ang oras. Halos limang oras na akong nakatambay dito pero isang milktea lang ang binili ko. Inilagay ko ang mga dala kong isang libro sa shoulder bag ko saka isinunod naman ang wallet ko. I guess I need to go home now. Hindi na ako papasok pa sa ibang subjects ko o maghahanap na lang ako ng ibang lugar kung saan makakapag-isip ako ng maayos. Bago ako tumayo ay tumunog ang cellphone kong nakapatong sa table. Kinuha ko iyon baka sakaling si Javier ang nagtext. Kinakabahan pa ako dahil kung si Javier nga ay baka nakabalik na siya dito kung saan man siya nagpunta.  Bumagsak ang balikat ko. Hindi si Javier. Galing sa isang unknown number ang nagtext. From: 09392290263 -Don't come to the party. Tinitigan ko muna ang cellphone ko at sandaling nag-isip. Anong party? Kaninong party? Naalala ko pa lang may dadaluhan kaming party yun ay ang engagement party ng CEO ng Del Franco Empire. Agad akong nagtipa ng mensahe. Me: Who are you? Naupo akong muli para hintayin ang reply ng unknown number pero hindi na ito nagreply. Baka isang prank lang ito ng mga ibang kaibigan ko. But how did they know na pupunta ako ng party? Nag-antay pa ako ng isang oras pa sa coffee shop baka sakaling mareply pero wala talaga.  Umalis na lang ako. Binlock ko ang number. Weird pero baka isang prank text lang ito.  Madali akong naglakad papunta sa parking lot pero agad akong natigilan ng may nakatayo doon. Malayo palang ay kilala ko na kung sino ang nakatayo doon-si Javier.  Patakbong lakad ang ginawa ko para makalapit sakanya. Nang nasa harap na niya ako ay niyakap ko siya ng mahigpit. Naiiyak ako kasi after four weeks ngayon lang siya nagpakita. Agad din naman akong bimitiw sakanya.  Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. He seems different. Medyo pumayat siya. Ang buhok niya ay humaba at ang mata niya ay medyo nangingitim ang gilid nito. Ngumiti siya sa akin ng nagtama ang mata naming dalawa. Anong nangyari sakanya? Bakit ganito ang itsura niya?7 "What happened to you? Where have you been? Nagtext at tumatawag ako sayo pero di ka sumasagot?" nag-aalala ako sakanya dahil hindi man lang siya nagrereply sa mga text ko tapos ngayong nandito siya ay ganito naman ang itsura niya.  Tinitigan lang ako ni Javier sa mata. Naroon ang pagod at lungkot sa mga mata niya.  "Sumagot ka. Bakit ang tahimik mo? Anong nagyari sayo?"tanong ko pa pero umiling siya saka ngumiti muli sa akin. I know him very well dahil sa ilang taon naming magkasama bilang magkaibigan dito sa Del Franco. Alam na alam ko kung kailan siya nagsisinungaling, isa na itong ngayon.  "I'm okay. Dahil lang siguro sa pagod ito." he said with his husky voice.  Ngumiti na lang din ako pero nababagabag ako sa itsura niya. He's not okay! Kilalang-kilala ko talaga si Javier.  "Pero saan ka nagpunta?" I asked him again. Nag-iwas siya ng tingin sakin at napayuko. "Umuwi ako sa amin. Marga, I have a favor from you," hinawakan ko siya sa balikat na siyang nagpagulat sakanya. Nagtaka ako sa naging reaksyon niya dahil iniiwas niya sa akin ang balikat niya kaya nabitiwan ko iyon. What happened to you Javier? I asked to myself. Tinanong ko na siya nyan pero wala ata siyang balak na sabihin ang dahilan. "What favor?" ako. "Huwag ka ng tumuloy sa party." seryoso niyang sambit. Naningkit ang mata ko sakanya. Siya ba ang nagtext kanina? Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at agad na kinalikot iyon. Nang mahanap ko ang text message galing sa unknown number agad ko iyon ipinakita sakanya. "Ikaw ba ito?" tanong ko sakanya. Tumango naman siya. "Bakit? Bakit hindi ako pupunta? Anong meron?" medyo kinakabahan na ako sa patutunguhan ng usapan naming dalawa. Hindi ko alam kung handa ba akong marinig ang anumang sasabihin niya sa akin ngayon.  "Basta! Kapag sinabi kong huwag ka pumunta huwag ka pumunta marga!" tumaas ang boses ni Javier. Ang mata niyang nakatingin sa akin ay nanlilisik at namumula pa. Umaatras ako ng isang beses. Nakita niya iyon kaya lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanang palapulsuhan ko. "Javier nasasaktan ako!" kinakabahan na ako sa inaasta niya pero pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Javier is my friend at siguro naman hindi niya ako sasaktan.  "Marga makinig ka sa akin! Huwag kang pumunta sa party!" tumatawa tapos biglang seseryoso ang boses ni Javier. Natatakot na ako sakanya. Hindi na siya ang Javier na nakilala ko. Hindi ganito si Javier. Pilit kong tinatanggal ang kamay kong mahigpit niyang hawak. Nasasaktan na ako dahil mas lalong hinigpitan pa ni Javier. "Javier! Nasasaktan ako! Bitawan mo ako!" sinigawan ko siya pero wala pa ring puwang iyon. Mas hinigpitan pa niya. Nanlilisik ang mata niyang nakatingin sa akin habang nakangiti.  "Hindi mo ako sinusunod Marga!" hinila niya ako at itinulak sa pader. Mariing pikit ang ginawa ko dahil sa lakas ng pagkakatulak niya. Nauntog pa ang ulo ko kaya medyo nahilo ako. Hinawakan ko ang ulo ko kung saan masakit at naramdaman kong basa iyon. Kabado akong tinignan ang kamay ko na may dugo. Nangilabot ako dahil sobrang dami nito. Lumapit sa akin si Javier na may nanlilisik na mga tingin. Gusto ko mang tumakbo ay hindi ko magawa dahil nahihilo ako. Masakit din ang likod ko sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin. Humakbang ako pakanan pero agad na nahawakan ni Javier ang balikat ko at idiniin niya ako sa pader.  Ramdam ko ang pagbaon ng kuko niya sa balat ko.  "Javier! Ano bang nangyayari sayo? Javier! Nasasaktan ako!" naiiyak na ako. Hindi niya ako pinakinggan. Inilapit niya sa akin ang mukha niya. "Walang nangyayari sa akin Marga. Wala" sambit niya gamit ang kakaibang boses. Mukha siyang sinasaniban ngayon ng masamang espirito dahil iba ang Javier ngayon sa Javier na kilala ko. Inilapit pa niya ang mukha niya sa akin saka dinilaan ang pisngi ko. Bumagsak ang luha ko ng walang pakundangan dahil sa takot kay Javier. Hindi ito si Javier!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD