Chapter 5

2641 Words
Chapter 4: Mga sirang pakpak Hindi tumagal ng mahigit sampung segundo ang matigas at walang pakialam niyang titig sa akin, ininspeksyon niya ako mula ulo hanggang paa, at ang ekspresyon ng kanyang mukha ay naging maluwag nang magtagpong muli ang aming mga mata. Napabuntong-hininga siya, parang pagod, at lumapit sa akin. Hindi ako makagalaw, dahil wala akong nakitang anumang senyales na sasalubungin niya ako ng masaya; sa halip, parang sesermonan niya ako. Sa totoo lang, gusto ko nga na gawin niya yun, dahil nararapat lang yun sa akin matapos kong iwan ang mga tanging tao na nagmamahal sa akin nang walang kondisyon, higit pa sa lahat. Naamoy ko ang pabangong gamit niya nang tumayo siya sa harap ko, at naaalala ko ang pabangong iyon, dahil sa akin kaya pinili niyang gamitin ang pabangong iyon matapos itapon ang dati niyang pabango na nagpaparamdam sakin ng pagkahilo. Bumuka ang kanyang bibig upang magsalita, handa na sanang magbigay ng sermon, ngunit napansin ko na agad din niya itong pinigil at binalot ako sa isang mahigpit na yakap na muling nagpabalik sa akin sa aking kamalayan. "Miss na miss kita, aking munting Sari." Hinayaang ko na lang na dalhin ako ng init ng kanyang yakap, ang nakaka-kalmang pakiramdam, at ang maginhawang katahimikan na pumapaligid sa amin sa entrance ng bahay, ninanamnam ang yakap ng bawat isa. Imposible nang pigilan ang aking mga luha, sobrang miserable ng pakiramdam ko, isang masamang anak dahil iniwan ko ang lalaking nagbigay at handang ibigay ang lahat para sa akin, para sa aking kaligayahan, para sa aking kabutihan, kapalit ng isang manloloko na nag-alok sa akin ng pangakong 'hanggang kamatayan', pero hindi ko alam na ang tinutukoy pala niya ay ang kamatayan ng pagmamahal niya sa akin. "Patawarin mo ako, Dad, naging makasarili ako, masamang anak. Deserved ko ang pinagdadaanan ko ngayon dahil iniwan kita para sa isang lalaking hindi naging tapat sa akin”. Halos hindi na maintindihan ang mga salita ko, dahil hindi ko kayang pigilang mapahagulhol habang umaapaw ang mga luha sa aking mga mata. Pakiramdam ko'y sobrang bigat ng loob ko, ang kaluluwa ko'y pira-piraso tulad ng puso ko. Alam kong hindi naging worth it na iniwan ko ang buhay ko para sa lalaking minahal ko, at ang babaeng tinuring kong kaibigan ay hindi man lang inisip ang katotohanang kami ay kasal. Binalewala niya ang ilang taon naming pagkakaibigan, at ibinunyag ang kanyang tunay na pagkatao—ang taong matagal na palang may inggit sa akin dahil nahulog ang atensyon ng lalaking, hindi niya alam, ay gusto niya pala. Ang tanging magandang bagay na nakuha ko mula sa trahedyang ito ay ang bunga ng aming... aking pagmamahal sa lalaking nagbukas ng mga insecurities at takot ko, na naging unang pagkawasak ng puso, dahil siya ang una at siya na rin ang magiging huli. Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko, "Ano'ng nangyari? Hindi ba ako sapat para sa kanya? Ano'ng kulang sa akin? Hinayaan ba niyang maimpluwesyahan siya ng mga mapang-api at negatibong komento ng pamilya niya tungkol sa akin, dahil sa aking hindi kilalang pinagmulan? Gano'n ba kahalaga sa kanila ang sinasabi ng iba? Parang wala naman siyang pakialam doon nang mag-propose siya sa akin." Iwinaksi ko ang mga tanong na nagpapahirap lang sa akin, at pinilit kong patatagin ang aking sarili. "Hindi, ibinigay ko sa kanya ang lahat, naging mabuting girlfriend, mabuting asawa, at mabuting katuwang ako, pero hindi niya ito pinahalagahan." "Halika dito, aking Sari, aayusin natin ang mga pakpak mo at pupulutin ang bawat piraso ng iyong puso. Hindi mo kailangan ang lalaking iyon dahil mayroon kang pamilyang nagmamahal sa’yo. Ibabalik natin ang pagmamahal mo sa iyong sarili". Ang mga salita ng aking ama ay nagbigay ng kapayapaan sa akin at pakiramdam ko’y isa akong hangal. Inakay niya ako patungo sa sala, ang isang braso ay nakaakbay sa aking balikat, at magkatabi kaming naupo bagong cream-colored na sofa. "Wala kang ideya kung gaano ako kasaya na makita kang muli pagkatapos ng lahat ng mga taon nang wala ang iyong masayang presensya dito sa bahay. Ibabalik natin ang saya mo, gusto ko ibalik masayahing Sarah na umalis dito na puno ng mga pangarap at layunin". Ang mga pangarap at layunin ng Sarah na iyon ay naiwan sa Manila, at ang tanging bagay na nagtutulak sa akin para magpatuloy ay ang buhay na lumalaki sa aking sinapupunan. "Magiging lolo ka na." Bigla kong sinabi, at hindi nagtagal ay lumitaw ang gulat sa kanyang mukha. Tumingin siya kay Mama, na naupo sa tabi ko, na puno ng luha ang mga mata, apektado sa nakikita niyang kalungkutan at pagkadurog ko. At kasabay niyon, may kasiyahan din kanyang mata dahil narito na akong muli. "Buntis ka". Wika niya, mas parang pahayag kaysa tanong. Ang kalmadong tono ng boses niya ay nagbigay sa akin ng pakiramdam ng seguridad at tiwala na minsan ko nang naramdaman sa kanya. Alam kong hindi niya ako huhusgahan dahil sa aking pagiging pabaya; after all, hindi naman ako isang manghuhula para malaman na mangyayari ang lahat ng ito. Hindi ko kailanman inakala na niloloko ako ni Alexander sa kabila ng biglaang pagkawala ng kanyang interes, at bagamat marami sanang bagay ang maaari kong gawin para maiwasan ito, huli na rin, at ang tanging magagawa ko nalang ay magsisi. "At hindi niya alam". Idinagdag niya muli, parang pahayag, at tumango akong nahihiya, hindi makatingin sa kanya. Alam kong wala akong karapatan na itago ito o hayaan na lumaki ang aking anak na hindi nakikilala ang kanyang ama, pero sa sitwasyong ito, ang tanging magagawa ko na lang ay wakasan ang relasyon sa lalaking sumira ng aking puso, tiwala, at pagmamahal sa sarili. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong malaman ang tungkol sa kanyang pagiging ama; pakiramdam ko iyon ang pinakamabuti para sa akin, para sa aking emosyonal na katatagan. Mas malayo sa kanya, mas madali kong mapoproseso ang lahat. Iyon ang akala ko. "Ayoko rin na malaman niya". Ang pagtutol sa kanyang mga tingin ay nagparamdam sa akin ng panginginig kaya kinailangan kong baguhin ang sagot ko. "At least, hindi pa sa ngayon, para sa kapayapaan ko habang nagdadalang-tao, at makakatulong din ito para makapag-isip ako ng mas malinaw". Naglabas ng isang buntung-hininga ang aking ama, halatang hindi lubos naniniwala sa huling sinabi ko. Kilalang-kilala niya ako, sa pagitan naming dalawaay may koneksyon ng ama sa anak na hindi mapuputol, kahit pa magkalayo kami ng sampung taon. "Hindi ako sang-ayon sa desisyon mo, gayunpaman, nirerespeto ko ito. Bilang isang lalaki, hindi ko magugustuhan kung itatago sa akin ang isang bagay na kasing-halaga ng isang anak, pero kung sa tingin mo ay ito ang tamang gawin, hindi ako makikialam. Gusto ko lang malaman mo na kahit magkulang ng pagmamahal mula sa ama ang bata iyan, magiging sapat ang pagmamahal mula sa kaniyang lolo at lola." Pinunasan niya ang luha sa aking mga pisngi gamit ang kanyang hinlalaki at hindi ko napigilang bigyan siya ng isang tapat na ngiti. Hindi ko alam kung paano ko naisip na ayaw niya akong makita pagkatapos nang mahabang panahon. S’yempre, andiyan siya para sa akin nang walang kondisyon. Ako lang ang nag-iisa niyang anak na palagi niyang ini-spoiled, kahit na pinalitan na ako ni Brandy. "Masaya kaming nandito ka na muli, anak." Sabi ni mama na nasa tabi ko, habang niyayakap niya ako hanggang sa maabot niya ang mga bisig ng aking ama, niyakap kaming dalawa na naging isang family-embrace na hindi ko naisip kung gaano ko ito kailangan. "Tama na ang drama, alam kong galing ka sa isang mahaba at nakakapagod na biyahe, pero hindi mo pwedeng palampasin ang eksklusibong salo-salo na inihanda ko nang mabilis upang ipagdiwang ang pagbabalik ng aking tagapagmana." Tiningnan ko siya ng masama kung bakit ginawa niya pa iyon kahit na alam niyang bumalik akong bigong-bigo. "Ano? Huwag mo akong tingnan ng ganyan. Parang hindi mo ko kilala, syempre ipagdiriwang ko ang pagbabalik mo. Bukod pa riyan, makakatulong ito sa'yo para malibang ka, at makitang muli ang mga dati mong kaibigan, at baka magkaroon ka pa ng mga bagong kakilala”. Ngayon, tiningnan ko siya nang bahagyang naiinis, wala ako sa kondisyon para batiin ang mga dating kakilala, lalo na para makakilala ng mga bagong tao, at higit sa lahat, ang ilantad ang aking sarili sa lipunan at ipaalam na ako ang tagapagmana ng mga Doinel. Hindi pa ito ang tamang panahon. "Imbitado din si Abby". Pagkasabi niya niyon, agad na nagliwanag ang aking mukha. "Dapat yun ang unang sinabi mo." Sabi ko, tumayo mula sa aking upuan at kumalas mula sa yakap ng aking mga magulang ko, habang pinupunasan ko ang mga basang pisngi ko. Hindi na ako iiyak muli, hindi ito makabubuti para sa baby. Ang pananabik na muling makita ang aking kaibigan ay lubos na nagpabago ng aking mood. Hindi, hindi lang siya kaibigan, siya ay para ko nang kapatid, kilala ko na siya mula nang kami ay mga musmos pa lamang. Mula siya sa isang napaka-maimpluwensyang pamilya, ang mga Dubois, ang matatalik na kaibigan at partners ng aking mga magulang. "Maga!" tawag ng aking ama nang makita ang pagbabago ng aking mood, at nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalang iyon. Ang aking yaya, ang pangalawa kong ina, hindi ko alam kung gaano ko siyang namiss hanggang sa sandaling ito. "Sir." Ang boses niya ang nagpalingon sa akin, at hindi niya naitago ang kanyang pagkagulat at kasiyahan nang makita akong muli. "Miss Sarah". "Nana!" Nilapitan ko siya at niyakap, ramdam ko ang excitement sa aking dibdib. Pagkatapos naming magyakapan, sabay naming nabigkas kung gaano namin namiss ang isa’t-isa at kung gaano kami kasaya na nagkita kaming muli, iniutos ng aking ama na ihatid na ako sa aking silid kasama ang aking mga bagahe, na isang maliit na maleta na puno ng mga damit na binili ko sa huling minuto sa Bohol. Ang kwarto ko ay tulad pa rin ng dati—ang malaki at maayos na kama na may mga malalambot na kumot, ang kulay rosas na carpet na bumabalot sa buong sahig, ang aking wardrobe, ang pribadong banyo, at ang balkonahe. Oh my, sobrang mahal ko ang balkonaheng ito, kung saan tanaw ang likod-bahay, ang pool ay mukhang ganun pa rin, pati na ang luntiang sports areas. Ang pinakapaborito ko sa lugar na ito ay ang kamanghang-manghang tanawin ng isang kagubatan na may malalaking puno. Buong buhay ko nang ninais na maglakbay sa kagubatang iyon, pero hindi ako kailanman nagkaroon ng pagkakataon o lakas ng loob. "Lalabas na ako, iha. Ang iyong wardrobe ay pinalitan na gamit ang mga bagong koleksyon ng Doinel, alam kong magugustuhan mo ang mga iyon. Kung kailangan mo ng tulong, huwag kang mag-atubiling tawagin ako". Nagpasalamat ako kay Maga at lumabas siya sa aking silid na may malaking ngiti sa mukha. Hindi na ako naghintay pa at agad na akong nagbabad sa isang nakaka-relaks at matagalang foam bath na sobra kong na-miss. Ang kaunting pahinga na nakuha ko ay agad na nawala nang ipikit ko ang aking mga mata. Hindi ko maiwasan na muling maalala ang hindi kanais-nais na imahe ng aking taksil na asawa kasama ang matalik kong kaibigan. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga, naiinis sa kakayahan ng utak ko na paulit-ulit na maalala ang mga pangyayaring gusto ko nang kalimutan. Lumabas ako ng banyo na mas masama ang pakiramdam kaysa noong pumasok ako, at binalot ko sa aking katawan ang isang malinis na roba. Pinukaw ng pagtunog ng aking cellphone ang atensyon ko, kaya agad ko itong kinuha. Mula nang sunduin kami ng driver ay hindi ko pa ito natitingnan, at medyo nakakagulat na may nag-message sa akin. Sa mga nagdaang taon, inilayo ko ang aking sarili sa maraming tao at kakaunti na lang ang magmi-message sa akin. Hindi ko napigilang kumulo ng aking dugo nang makita ko ang nagpadala—si Rachel. "Nagpapasalamat kami na umalis ka. Gawin mo nalang ang isang huling pabor, huwag ka nang magpapakita pa. Hindi ka welcome sa bahay namin. Nakakahiyang hindi mo nagampanan ang tungkulin mo bilang isang mabuting asawa, pero huwag kang mag-alala, ako na ang bahala doon." Biglang kumirot ang aking dibdib, na para bang bigla akong naubusan hangin, at parang nakalimutan ko kung paano huminga. Bahay namin? Ang magandang pakiramdam na naibalik ko nang dumating ako sa Cebu ay napalitan ng pagkadismaya. Unti-unting binabasag ng sakit na nararamdaman ko ang mga natitirang piraso ng aking puso habang tinitingnan ko ang larawan na ipinadala niya sa akin. Larawan nila itong dalawa, parehong nakahiga sa kama sa aming kwarto... paumanhin, sa dati pala naming kwarto. Ang ulo ni Rachel ay nakasandal sa h***d na dibdib ng natutulog na si Alexander. Bagama’t nakapikit ang mga mata ni Rachel, makikita pa rin ang bahagyang ngiti sa kanyang labi, na para bang ipinagmamalaki niya ang kanyang ginawa. Hindi kapani-paniwala... Hindi na sila makapaghintay na umalis ako para ituloy ang kanilang pagtataksil. Doon na nawala ang huling ningning sa aking mukha. Pinatay nila ang kalooban ko... Sandaling nabulag ako ng galit, at nagsimula akong mag-type ng isang mapang-insultong sagot, pero huminto ako bago ko ito maipadala. Napagtanto ko ang kasamaan ng mga isinusulat ko. Umupo ako sa kama matapos huminga ng malalim at muling isulat ng mas kalmadong mensahe. "Binabati kita, namnamin mo ang pakiramdam ng pagiging mataas bilang isang kabit. Pinalaya mo ako mula sa isang malaking sakit ng ulo. Pagkatapos ng lahat, ito na ang huling bagay na magagawa mo sa ating pagkakaibigan”. Ipinadala ko ang mensahe at agad na binlock ang contact. Ayokong makarinig pa ng anumang bagay mula sa kanya. Humiga ako sa kama na nakadipa ang mga braso at ipinikit ko ang mga mata ko ng ilang segundo, nakakaramdam hindi lang ng lungkot kundi pati galit sa sarili ko dahil sa pagiging bulag at tanga, sa pagbibigay ng lahat nang walang natatanggap pabalik. Binalikan ko sa alaala ko ang araw na unang ko siyang nakita sa isang ilegal na car race, kung saan ako hinatak ni Abby noong huling trip namin nang magkasama. Naalala kong tumatakbo ako kasama si Abby, sinusubukang takasan ang bodyguard ko, nang biglang mabangga ako sa isang matigas na katawan na nagpasubsob sa akin. Bago pa ako tuluyang matumba sa lupa ay may malalakas na braso ang sumalo sa akin, pinigilan ang nanginginig kong katawan na tuluyang bumagsak sa lupa. Ang unang bagay na nakita ko ay ang kanyang magagandang mga mata na kulay honey, na nakatingin sa akin nang may pag-aalala at kabaitan. Matapos humingi ng paumanhin at tanungin kung okay lang ako, kahit na malinaw na ako ang may kasalanan sa pagtakbo nang hindi tumitingin, nagpakilala siya bilang si Alex. Nang sasabihin ko na ang pangalan ko, ay naabutan ako ng bantay ko at inakay ako palayo mula sa labing-walong taong gulang na batang lalaki na hindi inaalis ang mga mata sa akin hanggang sa makapasok ako sa sasakyan, kung saan naghihintay si Abby. Dinaldalan ako ni Abby dahil nasayang ang mahahalagang minuto ng oras namin sa batang iyon, na dapat sana’y ginamit namin para makatakas mula sa bodyguard ko. Ilang taon ang lumipas, nagkita kaming muli sa unibersidad. Agad ko siyang nakilala mula sa unang sandali na nakita ko siya, at nagulat ako nang sabihin niyang hindi niya pa ako nakikita sa buong buhay niya. Naisip ko na iyon na ang unang senyales na nagsasabing: “Hindi ito”. Kung hindi ko sana hinayaan ang sarili ko na matangay ng unang impresyon ko sa kanya sa lugar na iyon, hindi ko sana mapapansin si Alexander, hindi ko sana ibinigay ang lahat ng mayroon ako sa kanya, hindi sana ako naging Mrs. Lancaster, at hindi ko sana nagawa ang hangal na desisyon na iwan ang pamilya kong nagmamahal sakin, para maging bahagi ng isang pamilya na paulit-ulit akong inalipusta. At ngayon, eto ako, may alaalang biglang nanunumbalik, isang sanggol na parating, at mga sirang pakpak na kailangang ayusin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD