bc

The Heiress Returns

book_age4+
detail_authorizedAUTHORIZED
2.9K
FOLLOW
24.9K
READ
HE
single mother
heir/heiress
drama
cheating
like
intro-logo
Blurb

Ang isang pregnancy test ay sapat na upang muling bumalik ang aking pag-asa na maisalba ang aking pangarap na kasal sa bilyonaryong negosyante at CEO ng Lancaster Collection na si Alexander Lancaster. Ngunit ang aking mga pag-asa ay mabilis ding nawala nang matuklasan ko na matagal na pala niya akong niloloko, at sa taong pinaka-pinagkakatiwalaan ko pa. Pagbubuntis. Pagtataksil. Paghihiwalay. Ang sakit ng pagkawala ng taong pinakamamahal ko ay nawala nang mayakap ko siya sa aking mga bisig. Hindi naman ako ang magiging una't huling babae na magpapalaking mag-isa ng anak. Ang hindi alam ni Alexander ay ako ang tagapagmana ng kayamanan ng pinaka-maimpluwensya at pinaka-importanteng tao sa industriya ng fashion. Ako ang diborsyadang tagapagmana.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Prologo "Sino ang babaeng iyon?" tanong ni Alexander mula sa kanyang upuan, namamangha sa pinakamaganda at pinaka-eleganteng babae na nakita niya sa buong buhay niya. Kahit hindi niya makita nang malinaw ang mukha nito mula sa kanyang kinauupuan, sigurado siyang hindi pa niya ito nakikita noon. Kung hindi, ay siguradong hindi niya ito makakalimutan at hindi rin siya magdadalawang-isip na hilahin ito sa kanyang mapanuksong bitag. Ang kayumangging buhok nito ay hindi na kailangan ng masalimuot na ayos, at hindi rin nito kailangan ng labis na makeup para makuha ang atensyon ng sinumang lalaking makakasalubong nito. Ang maalon nitong buhok ay marahang nakabagsak sa kanyang balikat, ipinapakita ang kagandahan ng kanyang likod. Ang mala-sutla nitong balat ay parang napakalambot at napakakinis. Ang suot nitong bestida ay umaalon-alon habang ito’y sumasayaw kasama ang isang mas nakatatandang lalaki. Ang unang pumasok sa isip ni Alexander ay marahil ay ama nito ang kasayaw, hanggang sa nagsalita ang kanyang assistant. "Siya po si Sarah Petit, sir, ang dating mong asawa." Ang mga salitang iyon ay umalingawngaw sa kanyang isipan nang paulit-ulit habang naaalala niya ang babaeng pinakasalan at naging asawa niya sa loob ng dalawang taon. Ang babaeng akala niya ay mahal niya, ang babaeng ni hindi man lang nagpatayo ni isang balahibo sa kanyang katawan. Akalain mo nga naman! Ngayon ito naman ang yumayanig ng kanyang mundo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook