Ryouje pov: "Ryou.." Napalingon ako kay Zoe na nagbabasa ng libro. Tinawag niya ba ako? Para kasing— "Mag-asawa ba talaga tayo?" Namutla yung mukha ko sa tanong niya. Nakatingin parin siya sa librong binabasa niya na ibinigay ni Andrea. "B-bakit mo naitanong?" Darn! Mapapatay ko talaga ang kapatid ko eh! Lumingon siya sakin at tinitigan ako ng malalim. Oh s**t, Zoe stop that. para akong pinapatay na hindi ko mawari sa mga titig niyang yun. "Nakasulat kasi dito sa libro na si Kathrine Bernardo ay kinasal kay Daniel Padilla kaya Mrs. Padilla na siya.." Aniya saka yumuko at itinuloy ang sasabihin. "Bakit Hazen parin ako kung Hexerian ang Last name mo?" Tanong niya sakin at nag-angat siya ng tingin para

