Ryouje POV: "Anong sabi ng doctor kuya?" Kinakabahang tanong ni Andrea. Huminga ako ng malalim. Hindi ko inaasahan na hihingi pa kami ng tulong sa doctor, tss "Temporary Amnesia daw, malakas daw kasi ang pagkakabagok ng ulo niya. Napansin din ng doktor yung mga peklat niya na galing sa tama ng baril pero ang sabi ko aksidente lang yun nung nakaraang buwan. Mukha namang nakumbinsido ko yung doktor" Sagot ko sakanya na na nauwi sa mahabang katahimikan. "K-kuya.. dapat ba tayong mag-saya kasi hindi niya maaalala ang kasalan ng magaling nating ama? At.. m-may natitira pa tayong unting panahon, para mabuhay.." Hindi ko na inimik yung sinabi niya. Nilingon ko na lang si Zoe na wala paring malay hanggang nga

