NAKA-simangot si Tyrone habang pinapanood niyang ilipat ni Andrei ang mga gamit ni Zoe sa napili nitong dorm. "Bakit parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa?" Natatawang tanong ni Liam Kay Tyrone pero sinagot lang siya nito ng masamang tingin. "Paano, hindi na niya mabu-bully si master" Singit ni Andrei sa usapan saka muling binuhat ang mga gamit ni Zoe na si Tyrone pa mismo ang bumili. Napakunot noo naman si Liam at magtatanong sana ng dumating si Zoe na kulang na lang ay mapatay sila sa galit nito. "Ano na Andrei?! Tangina aayusin mo pa yan! Titiklupin mo pa tapos lilinisin mo yung condo ko! Ay aba! Bilis bilis! Ayoko ng babagal-bagal! Nasasayang yung oras ko sayong damuho ka eh! Tapos nakikipag daldalan kapa diyan sa dalawa mong bugok na kaibigan!" Nanggagalaiting sigaw nito at

