"AHHHHHHHHHHH!!!" *Click!* *Click!* *Click!* Sheeeet!!! Ang saya nitooo!! Wooooh! Ahahahaha! Ngi-ngisi, ngisi si Zoe sa tagong lugar ng horror Booth na ginawa nila. Paano ba naman kasi... halos mamatay sa takot ang mga pumapasok doon. At kung hindi sa takot ay sa gulat dahil biglaan ang pagsulpot ng kanyang mga inatasan na manakot. Kung tutuosin ay dapat kasama siya pero dahil may pumasok na kapilyuhan sakanya ay yun na lang ang ginawa. At ito yun! Ang manguha ng mga litrato na sobrang e-epic. Kanina niya pa tinitiis na huwag tumawa dahil baka maiyak lang sa galit ang kanilang mga kapwa istudyante na gustong makapasok sa 'Dark Mansion' malaki ang horror Booth nila kaya ang ginawa nila sa loob ay... Once na makapasok ka kasama ng iyong mga kaibigan ay kailangan niyong hanapin ang tam

