"f**k! Paalasin niyo ako mga putangina niyo!" Nanginginig na sigaw ng binatang si Liam. Paano ba naman kasi, may kung anong kakaibang tunog ang kanyang naririnig sa dakong likod niya. Nais niya man na tumingin ay hindi niya magawa dahil sa takot. Ako lang naman ang nandito kaya walang makakakita ng kahinaan ko! f**k s**t lang talaga! Akala ko simple lang ang pananakot pero mukhang planadong planado at iisipin mong totoo talaga! Damn... nanginginig na ako sa kaba. Pagka-usap ni Liam sa sarili upang hindi niya mapansin ang mga bagay bagay na nasa loob ng horror Booth na kanyang kinagagalawan. At doon siya nagka-mali. "Liam..." Napa-atras siya at yumakap sa sarili ng marinig na tinawag ang kanyang pangalan. Tinig Ito ng isang babae ngunit nanginginig ang boses at parang kakapusin ng hining

