"Get that away from my face," I snapped habang abot-tenga ang ngisi ni Andrè, hawak ang phone niya na parang siya ang official videographer ng buong graduating batch.
Hindi siya tumigil. Kahit ilang beses ko pa siyang sinabihan, tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkuha ng pictures at videos. Para na kaming nasa Behind The Scenes ng isang low-budget na reality show.
Nasa makeshift studio kami sa loob ng gym—mainit, maingay, at amoy foundation. Naka-pila kami para sa graduation pictures, at si Andrè, para siyang batang first time makakita ng tao na may makeup.
"You look so different when you're fully made up," sabi niya, still recording, parang nagva-vlog. “Grabe, Maricon, ibang tao ka ‘pag sineryoso ka ng kilay mo.”
Napangiwi ako. "Gusto mo rin ayusan kita ng kilay?"
Pero imbes na tumigil, ini-slide niya ang camera kay Jax a.k.a. Mr. Existential Crisis. Mukha siyang zombie na ni-reject sa The Walking Dead casting.
Since the break-up with his ex, Jax went from “slightly disappointed sa mundo” to “officially naghahain ng reklamo sa universe.” Bawal banggitin ang pangalan ng ex niya sa harap niya—parang cursed word. Isang syllable lang, maglalaho siya sa dilim gaya ng mga emo sa 2008.
“Just talk to Jax, okay? Layuan mo muna ako,” I told Andrè, na napailing habang tumatawa.
“Sungit,” he said, pero tumalima rin at nilapitan si Jax, na mukhang nasa early stages ng villain origin story.
It’s been a wild ride. I’d say second year was the worst. Hindi ko na maalala kung ilang beses akong nagtanong sa sarili ko kung tama pa ba itong pinasok ko. Civil Procedure almost made me delay. As in halos magka-break kami ni Civil.
Fourth year? Literal na isang iglap lang ang isang sem. Yung tipong inaral mo buong sem, siniksik mo sa isang linggo. Iyak dito, iyak doon. Ang bigat. Pero kahit ilang breakdown, ilang recit na parang gusto ko nang mag-disappear, worth it pa rin.
“Ladezma,” tawag ng photographer.
Tumayo ako with trembling joy. Naupo ako sa harap ng camera, pinilit ang pinakamatamis kong ngiti. I worked for this. I bled for this. Kinikilig ako habang pinipitik-pitik ako ng flash sa mukha.
“Go, babe!” mouthing ni Andrè habang pinapakita pa ang peace sign. Di ko sure kung cheerleader ko siya o nanay kong proud na proud. Kumukuha pa rin siya ng video na parang may plano siyang gumawa ng full-length documentary.
I swear, kung hindi siya maging abogado, vlogger siya. May sarili na siyang content folder sa phone niya titled “The Life of Maricon: A Legal Journey (feat. me).”
I was extra excited kasi after this, one-month break muna. Pupunta kami ng Seattle! Yes, finally pinayagan na ako ni Papa. Pagkatapos nun, start na ng hell era a.k.a. BAR Review. At may agreement na kami ni Andrè—no cute-cute moments pag start na ng review. No landi. No kulitan. Pure law.
Okay, maybe konting landi. Pero academic.
After ko, si Andrè naman ang tinawag. Naka-posing pa siya parang endorsing barong for a magazine. Then si Jax. Then si Kaye. Nang matapos kaming lahat, nag-group pic kami.
Napangiti ako. We made it. We all did. Pero sa likod ng ngiti ko, may kirot. Alam kong after this, everything would change.
Jax wanted to be a criminal lawyer. Kaye was corporate through and through—pang-sosyal na firm. Ako? Honestly, I was just waiting for Andrè to propose after the BAR. Sabi niya, ‘yun ang plan. So, guess what? That became my plan, too.
“Samgyup?” tanong ko.
“Sure,” sagot agad ni Kaye habang chine-check ang makeup niya sa phone cam.
“Jax?” tanong ko sa hopeless romantic turned tragic hero naming friend.
“Fine,” he replied, tulad ng mga linyang sinasabi ng bida sa action movie bago magpaulan ng bala.
"Nice!" Sinalya ko ang braso ni Jax and linked mine with his. Si Andrè naman sa kabilang side ko. Para akong sinandwich ng depressed tsaka hyper. Ako tuloy ang laging third wheel sa kanila. Pero okay lang. Sanay na.
Sa samgyup place, lahat kami parang binuhusan ng energy drink. Kwentuhan ng sobra—first recit namin na sabay-sabay kaming bokya. Yung prof na hindi mo alam kung naglalakad ba or gumagapang. Yung time na nadulas si Andrè sa hallway kasi nagmamadali siyang makita ako. Slippery when in love.
Tapos naalala namin yung time na nasapak si Kaye. Oo, girl-on-girl violence. Kaye got punched sa face dahil sinabihan niya ang isang girl na may “obstruction of logic” sa statement niya sa org meeting. Resulta? Black eye. Resulta sa amin? Emergency quiz sa CivPro na wala si Kaye kaya sabay-sabay kaming bokya ulit.
Law school gave me my ugliest breakdowns—pero binigyan din ako ng mga taong pinaka-deserving na makasama sa mga tagumpay ko. I mean, where else would you find someone willing to fake cry with you para lang sabihing “Solidarity, girl”?
Sa biyahe pauwi, naka-headrest ako kay Andrè habang siya’y nagmamaneho.
“Tired?” I asked.
“Why?”
“Can we go to Pangasinan? Si Ellie, tumawag kagabi. Pinapauwi niya ako.”
Nag-nod siya agad. No questions asked. No drama. Parang may built-in go home with bae button siya.
Damn. Jackpot talaga ako dito. Kahit minsan gusto ko siyang batukan.
Like that time nilagyan niya ng picture ng pugot na ulo yung 100b sa ref ko. I was just trying to get water at 3AM—tapos ‘yun ang bumungad? I marched to his unit in my Spider-Man pajama shorts, kinatok ko siya nang walang awa, at nung binuksan niya yung pinto, sinapak ko siya.
Every year sa April 1, guaranteed may prank siya. Last year, sinabihan niya ako na bagsak ako sa finals. Umiyak ako. Umiyak talaga ako. Turns out, top ako sa class. Kailangan ko ng award for putting up with this man.
Pero kahit ganun siya—mapranka, makulit, over-documented ang buhay ko dahil sa kanya—he never made me feel alone. Kahit kailan.
And that? That’s more than enough.