We just dropped by to get a few things. Surprisingly, medyo okay na si Papa tungkol sa’min ni Andrè. Wala rin naman talaga siyang choice. Kasi let’s be honest—what’s not to like about Andrè? He’s like the golden retriever of future lawyers. Mabait, magalang, mahilig magdala ng pasalubong kay Papa, at higit sa lahat, hindi siya nangongopya sa recits.
Si Ellie, gustong-gusto rin siya. Kasi tuwing kasama namin siya, si Andrè parang si Kuya Kim—may trivia about the legal system habang nagpapakain ng fries. So eventually, kahit gaano ka-konserbatibo si Papa, wala na siyang na-reklamo. Wala siyang mapintas.
Pagdating namin sa bahay, I noticed something was off. Alam mo 'yung gut feeling? 'Yung parang may nagluluto ng gulo? Ayan. Kasi pagkababa ko ng sasakyan, nakita ko si Ellie sa driveway—pikit-mata, iyak-mode, mukhang naka-confetti pa ang luha.
“Baby?” I called out, agad na bumaba. “What’s wrong?”
“Ate…” she sniffled. “Si Mama tsaka si Papa…”
I was about to ask what when BOOM!—may lumipad na maleta.
I turned sharply. LV suitcase alert. Kassy’s prized Limited Edition Alma BB na may palaman na puro attitude. Maleta pa lang, alam mo nang magugunaw ang mundo.
“Pag-usapan naman natin ’to!” Kassy screamed, habang nakahawak sa binti ni Papa. Literal. As in clutching his leg like a dramatic extra sa telenovela.
I froze. Para akong nasa Probinsyano. Napatingin ako kay Ellie who was already trembling. Agad ko siyang binuhat. “Sama ka muna kay Kuya Andrè, baby,” I whispered habang pinupunasan ang luha niya.
Wala pa akong sinasabi, lumapit na si Andrè, parang laging prepared na sumalo ng drama ko. “Text me when it’s okay for us to return,” sabi niya calmly, like the perfect i********: husband-s***h-backup support system.
Inayos niya agad car seat ni Ellie sa likod. Siyempre may sarili na siyang car seat sa kotse namin—lagi siyang present sa biyahe, parang mascot.
Nang makaalis na si Andrè and Ellie, I turned around. Battlefield mode: Activated.
"What the hell happened here?!" I asked.
Kassy looked like a completely different person. Kung dati laging naka-Hermès scarf at konting hangin lang may pabango na, ngayon mukhang nag-camping sa sidewalk. Disheveled hair, patchy foundation, and last season na luha.
Tumingin ako kay Papa. Tahimik. Nakatingin lang sa guard. “Ilabas mo ang mga gamit niya. ’Wag na ’wag mo nang papabalikin dito.”
“Honey naman!” she wailed, parang Oscars Best Actress hopeful.
Pero si Papa? Unbothered, moisturized, thriving in his lane. Galit na galit, sobrang intense na parang ‘pag nilapitan mo, masusunog ka.
Kinabahan ako nang makita kong bigla siyang humawak sa dibdib niya. SH*T.
“Just please leave, Kassy,” I said, trying to maintain peace kahit gusto ko na siyang itali at ihulog sa Pasig River. I didn’t even know the full story yet, but that face? Deserved slapping.
“’Wag kang sumali dito!” Kassy snapped at me.
My mouth fell open. “Excuse me?! Bakit hindi ako kasali dito?!”
“You’re not a part of this family, Maricon!”
I blinked. Oh, you wanna go? You really wanna go?!
“Ako pa talaga ang hindi kasali sa pamilyang ’to, ha? G*GO KA BA?!” I screamed. “Gold digger kang plastic kang mantika ka!”
I turned to Papa. “Lumayas ka nga dito!”
“Akin ’to!” she shrieked. “Bahay ko ’to!”
“Hindi mo ’to bahay, ate gurl! Para ka lang tenant na walang kontrata. PRE-NUP. POST-NUP. WALANG KA-CLAIM-CLAIM!”
Kinuha ko ang suitcase niya na kanina pa sumisigaw ng "Throw me!" at binato ko pabalik. “LAYAS!”
Huminga siya nang malalim like she was summoning inner peace from her fake Chanel bag. “Fine. Aalis ako… Isasama ko si Ellie!”
My jaw dropped to the basement.
“PUTA—ano?! A-Aanakan mo rin ba siya next week?! Hindi mo nga mahanap sarili mong pang-maintenance tapos gusto mong magpasama ng bata?!”
Tumakbo siya papasok ng bahay—naghalungkat parang Dora the Explorer gone wild. Meanwhile, Papa was now seated, hand clutched sa dibdib niya, mukhang naghihintay ng resbak ng mga anghel.
“Pa…” I whispered, patakbo agad ako sa tabi niya. “Pa, ano ba ‘tong nangyari?”
He looked so tired. Yung tipong parang binigyan siya ng buong season ng Game of Thrones na puro betrayal.
“She cheated on me,” he said.
Natulala ako. “W-What?”
“She’s seeing her ex. Akala ko… akala ko hindi na siya umulit.”
And just like that, nawala lahat ng dugo sa katawan ko. Nanlamig ang mga kamay ko. My knees gave in a little. Then I saw him hold his chest again—nahihirapang huminga. NO. NO. NOT AGAIN.
I couldn’t even cry properly. Everything went fast. Someone helped me bring him into the car. Someone drove. The hospital lights blinded me. I was filling out forms, listing every medication he was on, and I felt like I was inside a blender na nakalagay sa “MAXIMUM SPEED.”
I wanted to scream. But I couldn’t.
I already lost Mom.
I couldn’t lose Papa, too.
"Andrè," I whispered.
He was already beside me, holding a bottle of water like he expected me to faint any second.
“Where’s Ellie?” I asked.
“Brought her home,” he said. “Sinabi ko na rin ’yung sinabi mo.”
I nodded, wiping my eyes with the sleeve of his hoodie. “Hinahanap ba niya si Kassy?”
He nodded. “Sabi ko, may errand lang si Kassy. Ayaw ko muna siyang i-stress.”
I took a deep breath. Parang sinasakal pa rin ako ng bigat.
“What’s your plan, Maricon?” he asked softly.
I looked at him.
Then I looked at the hospital doors.
Then I looked at the sky.
And I muttered, “Una sa lahat, ang plan ko… ipakulong si Kassy. ’Wag kang mag-alala. Babalikan ko siya with receipts, screenshots, at sworn affidavit.”
Hindi ako nakapagsalita.
Nanatili lang akong nakatitig kay Papa na parang Christmas tree—ang daming nakakabit. Wires sa kamay, oxygen sa ilong, beeping machine sa gilid na parang nasa sci-fi movie ako pero walang popcorn. Mabilis ang tulo ng luha ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin kung mawawala siya. Hindi puwede. Ayoko. Not now. Hindi ngayon na finally, okay na kami. Hindi ngayong naayos na ang lahat dahil kay Ellie.
"She cheated on him, Andrè..." I whispered habang hawak ang kamay niya.
Napanganga si Andrè. Para siyang sinampal ng lalamig ng aircon sa ICU.
"I don't understand why she'd do that. Mahal na mahal siya ni Papa. Dumating pa nga sa point na mas pinili niya si Kassy kaysa sa akin! Binigay na lahat—bags, sapatos, highlighter na may diamonds—lahat! Mas mahal pa nga mga gamit niya kaysa sa ‘kin, e. Tapos… tapos nandyan pa si Ellie... Bakit niya sisirain lahat 'yun?! Para lang sa jowang mukhang promo version ng Papa ko?! I don’t get it!"
Hinawakan ni Andrè ang kamay ko, gentle, gaya ng laging ginagawa niya ‘pag kailangan kong hindi sumabog.
"Maybe they can talk this out?" he said, voice soft. "They’re married."
Umiling ako. “Doc said that Papa can’t get upset. Alam mong hindi sila mag-uusap—mag-aaway ‘yan agad ‘pag nagkita. I can't lose him, Andrè.”
“I know,” he said, huminga nang malalim. “But you know that legally, if they separate… Kassy has the better chance of getting custody. Ellie’s just three.”
I didn’t answer.
Of course I knew that. Alam ko na ‘yan. Kahit ako ‘yung responsible sister, kahit ako ‘yung gumising gabi-gabi para painumin si Ellie ng gatas at sabayan siya manood ng Baby Shark, Kassy had the title—Mom.
Pero hindi ako susuko. Hindi ganyan kadaling makuha si Ellie. I was already mentally preparing my lawyer voice: “Objection, Your Honor. Ganda lang po ang ambag niya. I move to declare full custody to me, the one who actually knows Ellie’s favorite cereal.”
Andrè stayed with me the whole night. Wala siyang reklamo. Hindi rin siya umalis. Hindi siya umidlip. Kahit alam kong inaantok na siya dahil tumutulog na ‘yung isang mata niya, gising pa rin siya for me. Gusto ko kasing bantayan si Papa hanggang magising siya. Gusto kong siya agad ang makita. Gusto kong malaman niya na hindi siya nag-iisa. Nandito pa ako. Nandito pa si Ellie. He still had plenty of reasons to stay alive.
"Can you get me clothes? And check on Ellie for me?" I asked.
“Of course,” sagot niya. “Gusto mong dalhin ko si Ellie dito?”
Umiling ako. “No. Ayokong makita niya si Papa na ganito. Baka isipin niya, transformer na si Papa.”
Bago siya umalis, bumili muna siya ng pagkain. Dineliver niya parang Grab. Hindi kami nag-uusap habang kumakain ako. Tahimik lang ako, naka-focus kay Papa. Kahit isang galaw lang ng daliri, inaabangan ko.
Tapos—boom.
“Maricon.”
Agad akong napa-pikit. Parang may multo na bumulong. Pero hindi. Mas masama pa. Mas nakakainis.
Si Kassy.
Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto. Ayoko ng teleserye showdown sa ICU. Baka pati ‘yung oxygen ni Papa mag-walk out.
“‘Ibigay mo sa ‘kin ‘yung anak ko,” she said, voice all drama.
I clenched my fist. Pigil na pigil ang Maricon unleashed mode. “Sana inisip mo ‘yan bago ka nagpa-booking ng motel with Mr. Ex!”
“Wala kang alam! Ibigay mo si Ellie!”
“Um, no.” Deadpan. Periodt.
“Anak ko siya!”
“Well, then, she’s my sister!”
Huminga siya nang malalim. Tapos sabay angat ng kilay. “Hindi ako papayag. Kung papaalisin niyo ako, ISASAMA KO SI ELLIE!”
Tumingin ako sa kanya na parang sinukat ko na siya ng tape measure pang-kabaong. “Then, I’ll see you in court, Ate Gurl. You did this to yourself. Bakit mo ginawa ‘yun ha?! Kailangan mo ba talaga ‘yon?! May kulang ba sa vitamin C?!”
Wala siyang sagot.
WALA.
As in loading pa rin siya.
Like, literally buffering. ‘Yung mata niya nagfa-flash ng “Error 404: Valid Excuse Not Found.”
“I won’t give Ellie to you. Never.”
She clenched her jaw. “She’s my daughter. Sa akin siya!”
Umiling ako. “Nope.”
Tapos may pumatak na luha sa mata niya. Kala mo ako ang kontrabida.
“Maricon, please… anak ko siya. Oo, mali ako. Pero ‘wag mong itago sa’kin ‘yung anak ko. Lumalabas siya sa birth certificate!”
Nag-cross arms ako. “Wala akong pakialam kung lumabas siya sa sim card mo. Hindi kita papapasukin sa bahay. Hindi mo siya makikita. Period. Exclamation point. Motion to dismiss denied!”
Kitang-kita ko ‘yung sakit sa mukha niya. Pero wala siyang magagawa.
Wala na siyang hold.
Wala na siyang karapatan.
And most importantly—wala siyang moral high ground with that cheap affair energy.
“Pagsisisihan mo ‘to,” she warned.
“No,” I said calmly, like a queen turning away from a peasant. “Ikaw ang magsisisi.”
Tapos tumalikod ako, kinuha ang phone ko, at tinawagan si Andrè.
“Babe,” I said, voice cool as ice. “Warning lang. Paalisin mo si Kassy sa tapat ng bahay. Code red. U-turn the witch. Huwag mo siyang hayaang makita si Ellie.”