"Naku, nandito pala sila. Oh, sige, besty. Akong bahala sa anak niyo habang mag-uusap kayo ngayon." Sagot naman nito na halatang natuwa pa. " Salamat, Dona." Aniya. "Sana ay di nalang kayo mag-away at magkabalikan nalang kayo para sa anak niyo." Dagdag pa ni Dona. " Gano'n lang kadali pagkatapos niya akong lokohin noong paparating na sana ang kasal namin? at isa pa, hindi na. Masyado siyang mahilig makipaglapit sa mga magaganda." Inis na tugon niya kay Dona. "Naku, sa tono ng pananalita mo, nagseselos ka, Luissa." Nakangiting wika ni Dona. "Hindi ako nagseselos, kundi naiinis ako, nauumay na ako. Kaya ayoko na talagang makipagmabutihan pa kay Fabiano Saavedra." Sagot niya sa kaibigan. " Hay naku, buhay talaga. Oh, nasaan na sila bakit wala pa?" Sabi pa nitong napasilip pa sa la

