" Huhh?? ahh, y-yes naman.. wala na akong pakialam tungkol sa kanya. Kung magkakagustuhan kayo ay out na ako diyan Miss Krystal. May anak nga kami pero hanggang diyan nalang ang lahat." Tila inis naman n'yang sagot rito. Hindi niya napigilan na makadama ng inis sa mga tanong sa kanya ni Miss Krystal. Mahina lang naman ang usapan nila kaya sila lang halos nakakarinig ni Miss Krystal. Hindi pa siya makakapaniwala na gano'n kalaki ang pagkakagusto nito kay Ninong Fabian kaya gano'n nalang itong mangusisa at magtanong sa kanya. " Awws, thank you, Miss Luissa. 'Lika na, tamang-tama, katatapos lang mag serve ang mga katulong para sa ating masarap na salu-salo." Ang sabi pa nito sa kanya at pag-aya. " Okay, sige." Aniyang inakbayan na ang kanyang anak na naghihintay sa kanya. Nagpatiuna n

