Masaya naman siyang pinagmasdan ni Fabiano habang inamoy niya ang bigay nitong bulaklak. Muli siyang tumingin rito at muling nagtama ang kanilang mga mata. "Alis na tayo?" Anito sa kanyang nakangiti parin. " Wait, tawagan ko muna si papa." Aniya. Tinawagan nalang ni Luissa ang kanyang ama upang ipakuha ang kanyang sasakyan roon dahil sasama at sasakay siya kay Fabiano. Wala na siyang nagagawa pa kundi ang sumama nalang rito sa isang dinner date. Pero hindi ibig sabihin na sila nang muli, malinaw niyang sinabi rito na kailangang ipakita talaga nito sa kanya kung karapat-dapat ba talagang muli niyang bibigyan ito ng chance. Kahit may mabigat ito na mga reason kung bakit siya nasaktan nito pero natatakot na talaga siya na muling mahalin si Fabiano. Pakiramdam niya kasi ay ang daming

