"Sabi ko, tanungin mo ang sarili mo. At sana naman, makontento ka sa isang babae, Fabiano. Dapat ay kung may isa ka na ay isa lang talaga. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin? at isa pa, ayaw ko nang gulo. Masaya na ako sa career ko. Kaya h'wag mo nang sirain pa ang nanahimik kong buhay." Galit na dagdag pa niya rito. Naningkit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. " Ano bang mga pinagsasabi mo? paano mo nasabing may isang babae ako ngayon? gano'n ka na ba ngayon manghusga sa akin? bakit sinabi mong dapat akong makontento na may isang babae na ako? sino ang tinutukoy mong babae? maari bang pakilinaw ang mga sinasabi mo?" Wika nito sa kanya. Kinabahan naman siya ayaw niyang mabanggit pa ang pangalan ni Miss Krystal. Baka sabihin pa nitong nagseselos siya kay Miss Krystal Sa

