Nasorpresa naman si Terio sa narinig mula kay Fabiano. " Seryoso at sigurado ka na ba talaga sa anak ko? kasi lagi nalang siyang nasasaktan sa'yo, Seniorito." Wika pa ni Terio. "Hindi ko sinadyang saktan siya, Terio. Alam na niya kung ano ang nangyari noong papalapit na sana ang kasal namin. At ngayon nandito ako at plano ko talaga magbakasyon dito upang muli s'yang makita at muli ko siyang maligawan. Siguro sapat na ang time na ibinigay ko sa kanya na di na siya puno ng galit sa akin." Ang sabi nito sa ama ni Luissa. "Sa kanya din ang huling desisyon. Tungkol sa inyong dalawa." Sagot naman ni Terio. Tumayo na si Fabiano upang yayain na si Terio na sumunod na sa munting kusina ng condong iyon ni Luissa. Ngunit muling nagsalita ang ama ni Luissa. " Pero ang sabi ng anak ko ay may

