" Bakit mo ako ipapasyal, Fabiano?" Inis niyang tanong rito. Gusto niyang idugtong na sabihin rito na baka pagselosan siya ni Miss Krystal Santos, ngunit hindi niya naituloy nang agad itong magsalita. "Gusto ko lang na ipasyal kita. Why? may magagalit ba kung ipasyal kita? mayron ka na bang iba?" Tanong pa nito sa kanya na nakangiti. Mas lalo pa siyang nainis sa tanong nito. At bakit siya pa ang ipapasyal nito at bakit nag aksaya pa ito ng panahon sa kanya? pagkatapos nitong makipagdate kahapon kay Miss Krystal ay wala na itong ibang maiisip kundi siya na naman ang trip nito? "Baka ikaw itong may magagalit na ipapasyal ako. Tama na nga ang laro, Fabian. Magtino ka dahil di ka na bumabata. Nasaan si Miss Krystal? alam ba niyang nandito ka ngayon?" Sarkastikong tanong niya na di niya

