Tinawagan naman ni Fabiano ang Yaya ng kanilang anak. At pagkatapos ay napanatag na ang loob ni Luissa. Muli na itong sumampa sa kama niya at tumabi muli sa kanya. Di niya maiiwasang kikiligin sa hubad na katawan nito na tanging boxer lang ang suot. Muli siyang mahigpit na niyakap nito. Napakasarap ng kanyang pakiramdam na kasama niya si Fabiano. Tila nasa langit siya kapag makulong sa mga bisig nito at kapiling niya ito. Niyakap rin niya itong muli at sumiksik siya sa dibdib nito. Hinaplos-haplos naman nito ang kanyang buhok. "Matulog na tayo, sweetheart." bulong nito sa kanya. "Nag-iisip pa ako kung bakit wala pa sina Papa at Dona." ang sabi niya rito. " Hindi mo ba tinawagan?" tanong nito sa kanya. "Try ko nga bago lang, kinontact ko pero di makontact." ang sagot naman niya r

