Doon na nga siya nakatulog sa mansion nina Fabiano. At samantalang ang kanyang ama lang din at si Dona ang nasa kanyang condo naiiwan. Magkuha pa sana siya ng kanyang damit sa condo dahil wala siyang damit na papalitan sa mansion nina Fabiano. Subalit pinigilan siya nito na h'wag na raw siyang kukuha ng kanyang damit dahil binilhan na pala siya nito kanina at hinanda sa kanya doon sa mansion. Natuwa nalang siya dahil talagang nagawa pa nitong lumabas kanina para bilhan siya nito ng mga damit. Ilang sandali din n'yang sinamahan ang kanyang anak sa kuwarto nito at pinatulog na muna n'ya ito bago siya lumabas ng kwarto nito. Pagkalabas niya ay nagulat pa siya nang saka naman ang pagdating ni Fabiano sa labas ng pinto. "Fabian?" takang-tanong pa niya rito. "Kanina pa kita hinihintay sa

