Sa buong maghapon ay hindi halos maka concentrate si Luissa dahil sa pag-iisip niya tungkol sa pagpapapili ni Fabiano sa kanya. Mahal na mahal niya ito at ang kanilang anak, ngunit kung tuloyan niyang tatalikuran ang kanyang career ay baka magsisi lang siya sa huli. Ang pinaka maganda sana ay tanggapin ni Fabiano ang kanyang patuloy na pag aartista. Sana ay maisip nito na milyones din ang kanyang ibabasura kapag sakaling tatalikuran nalang n'ya ng basta-basta ang kanyang trabaho. Para sa kanya ay hindi naman siya dapat pinapapili ni Fabiano. Iba naman ito at ang anak nila kumpara sa kanyang trabaho. Kinahapunan ay tumawag si Fabiano na hindi ito makasundo sa kanya dahil dumating bigla ang kapatid nitong si Juano mula sa America ng hapong iyon. At walang ibang tinatawagan ang kapatid nit

