The Finale; Nang malaman ni Luissa na buntis siya— pagkatapos ng kanyang huling scene sa kanyang role ay kaagad siyang sumunod sa Negros kina Fabian at sa anak nila. Hindi na siya nagtagal pa. At susunod nalang daw ang kanyang ama at si Dona doon sa Negros sa kanya. Saka nalang nila pag-uusapan ng kanyang ama ang tungkol sa kasal nito at ni Dona doon sa probinsya kung saan nakatira si Dona. Pagkatapos ng kasal nila ni Fabiano ay gusto niyang pakasalan din ng kanyang ama si Dona. Maagang-maaga pa ang flight ni Luissa, nasa 7:00 am, kaya di pa nagtanghali ay dumating na siya sa Hacienda Saavedra. Tinawagan pa niya at pinaalam ang kaibigang si Pia at si Daniel na siya'y uuwi ngayon ngunit si Fabiano ay hindi dahil gusto niyang sorpresahin ito at ang kanilang anak. Nasa 11:00 am siya na

