CHAPTER 53

1912 Words

Napatitig s'ya sa kanyang nabasa na reply ng kanyang kaibigan. Kung noon ay gustong-gusto niyang itakas ang kanyang anak, subalit ngayon ay nagdalawang isip na s'ya. Iniisip niya kasi na mahirap pala ang bagay na iyon, lalo na kung magiging kalaban niya ang mga Saavedra. Ibinaba na niya ang kanyang pride na wala talaga siyang kalaban-laban sa kapangyarihan ng mga ito. Hindi talaga niya alam kung ano ang dapat gawin upang maniwala ang mga ito sa kanya. Naisip niya ang kanyang anak. Dapat ay sabihin niya rito ang tungkol sa Tita Britney nito. Upang di ito magbigay kumpyansa sa mapapangasawa ng ama nito. Kinahapunan ay sinadya talaga ni Luissa na hindi sumabay sa dinner ng mga ito. Nainis pa siyang isipin na hindi naniniwala si Ninong Fabian sa kanya at pati na ang inang Seniora nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD