Napa atras s'ya nang humakbang ito patungo sa kanya. Muling lumabas ang pawis sa kanyang noo dahil sa malalim na mga titig sa kanya ni Ninong Fabian. Nakita niya ang pagnanasa sa mga mata nitong nakatingin sa kanya. Kinagat pa nito ang pang-ibabang labi nito habang nagpatuloy ito sa paglapit sa kanya. Siya naman ay paatras din ng paatras. Bakit ba s'ya hindi nag-iingat kay Ninong Fabiano? may anak na nga sila pero hindi ibig sabihin na bibigay parin siya rito. Masisira ang kanyang Career at baka magdusa lang s'ya sa piling nito. Baka pagsisihan lang niya kung muli siyang bibigay rito. Hindi niya kailan man narinig mula sa mga labi nito na mahal s'ya ni Ninong Fabiano. Hanggang gusto lang ang kanyang narinig mula rito. Iba ang pagkakagusto kaysa pagmamahal na tinatawag at para sa kanya

