Hindi na pinansin ni Luissa ang mga sinabi ni Ninong Fabian at ipinagpatuloy ang pag meryenda nila. Pagkatapos silang magmeryenda ay niligpit na ni Luissa ang kanilang pinagkainan. Tahimik a parin na sabay na rin silang bumaba sa Second floor. Mga isang oras din ang lumipas bago dumating si Britney sa Villa. Nang makita naman ni Luissa na nag-uusap ang mga ito ay nagmamadali na s'yang lumayo sa Lobby. Naiinis si Luissa sa sarili na maramdaman parin ang dating naramdaman niya. Hanggang ngayon kasi ay parang nasasaktan parin s'ya na may ibang babae sa buhay ni Ninong Fabian? Ilang araw nalang at babalik na s'ya ng Maynila. Muli na niyang maiiwan ang anak niya. Kahit masakit sa kanya na hindi siya nagtagumpay tungkol sa pagkuha at pagbawi ng kanyang anak ay tatanggapin nalang niya ang

