Kinaumagahan. Araw ng sabado ay pagbaba ni Luissa sa kanyang room ay naabutan niya si Ninong Fabiano at ang mga magulang nitong nag-uusap sa Lobby. Medyo mataas na kasi ang araw na siya'y nagising. Kinabahan s'ya, alam niyang ipinagtapat na ni Ninong Fabian ang totoo sa mga magulang nito. Sabay na napatingin ang mga ito sa kanya at nakadama s'ya ng pagkapahiya. Natigil pa ang mga ito sa seryosong pag-uusap nang sya'y dumating. "Good morning po, Tita Elaiza at Tito Ricardo." Bati niya sa mga ito. Sa isip niya'y handa na rin s'ya na malaman ng mga ito ang totoo. Dito mapapatunayan na wala talagang secreto ang hindi mabubunyag, tulad sa nangyari noon sa kanila ni Ninong Fabian. Hindi man agad nalalaman pero nabubunyag parin sa huli ang totoong namagitan sa kanilang dalawa noon. "Good mo

