" Umalis si Luissa, Fabian. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pag-alis niya." Malungkot na sagot ng Ina ni Fabiano. Magsalita pa sanang muli si Fabiano ngunit di natuloy nang muling magsalita ang mga kapatid. "Bilisan mo na kuya, gutom na rin kami. Galing kasi kami sa kuwadra kaya gutom na rin." Ang sabi pa ni Paulino. " Saka na tayo mag-uusap iho, about Luissa." Ang sabi pa ni Seniora Elaiza sa panganay na anak. " Okay, Mom. Let's go to the dining room." Ani Fabian sa Ina at mga kapatid. Pagdating nila sa Dining room ay isa-isa na silang umupo at kumain. Ngunit nakikipagkuwentohan man si Fabiano sa kanyang mga kapatid at mga magulang ay si Luissa parin ang sumingit sa kanyang isipan. Parang di s'ya mapakali ng mga sandaling iyon kung hindi niya malalaman kung nasaan ngayon si

