Saglit na lumabas ng villa si Adelyn upang kunin ang kanyang mga naisampay sa labas. Mga alas sais na lampas iyon. Huli na niyang kinuha ang kanyang sariling sampay dahil tinapos muna niya ang ibang ginagawa niya sa loob ng Villa. Habang kinuha ni Adelyn ang mga nakasampay niyang mga damit ay narinig niya ang isang iyak ng sanggol! Itinigil pa niya ang pagkuha saglit sa kanyang isinampay upang pakinggan iyon ng mabuti. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makumpirma na totoong iyak talaga ng sanggol ang kanyang narinig. Nilagay muna niya ang kanyang mga kinuhang sampay sa kanyang dalang laundry basket at pinakinggan ng maayos kung saan nagmumula ang iyak na iyon. Hangga't nalaman niya na mukhang nagmumula iyon sa labas ng gate ng Villa! nagmamadali namang kumilos si Adelyn at nilapita

