" Oo, Pia, totoo ang ipinagtapat ko sa'yo. Si Ninong Fabiano ang ama ng binuntis ko ngayon." Aniyang bigla na namang sumikip ang kanyang dibdib nang sambitin niya ang pangalan ni Ninong Fabian. Hindi naman agad nawala ang labis na pagkagulat sa mukha ni Pia dahil sa nalaman nito mula sa kanya. "P-pero bakit siya, Luissa? anong nangyari? malaki ang agwat ninyo ni Seniorito Fabian." Tanong nito sa kanya na halos di makapaniwala sa nalaman nito. "Minahal ko kasi siya, Pia. Matagal na akong nagkagusto sa kanya. At nang magalit s'ya sa kay Papa ay inabuso din niya ang pagkakagusto ko sa kanya. Sinamantala din niya ako dahil nagkagusto ako sa kanya. At ako namang tanga ay nagpadala din sa lahat ng gusto niya at umaasang mamahalin at susuklian din niya ang pagmamahal ko. Pero nagkamali pala

