Pagkatapos niyang magluto ay gano'n parin, wala s'yang ganang kumain. Kahit anong pilit niya sa kanyang sarili na kakain ay di niya talaga kayang kumain dahil sa bigat ng kanyang pakiramdam at laging sakop ang kanyang isipan sa kanyang hinarap na malaking problema ngayon. Muli s'yang naiyak ng lihim. Karapat-dapat lang din na hindi malalaman ng mga Saavedra ang kanyang pagbubuntis ngayon lalo na si Ninong Fabiano. Hindi naman s'ya kayang mahalin at panagutan ni Ninong Fabian sa kanyang kalagayan ngayon. Kaya wala ang mga itong karapatan na makikilala ang kanyang anak na apo at anak ng mga ito. Lumabas s'ya ng Villa at sinadyang puntahan talaga si Pia sa bahay ng mga ito. Biyernes kahapon kaya alam niyang ganitong araw ng sabado ay nariyan ito sa bahay nila at wala sa boarding house n

